Seventeen

335 22 1
                                    

***Kalen's POV***

Niyakap ko ang cute na puppy na dumidila sa pisngi at labi ko. I know I'm only dreaming dahil wala naman akong alagang aso. But this puppy is too adorable to just wake up from.

Napakalambot rin ng puti at pinong balahibo niya at ang bango. Nang muli niyang dilaan ang sulok ng labi ko ay natatawa akong umiwas saka siya bahagyang inilayo. Lumipat sa leeg ko ang mabalahibo niyang nguso na lalong nagpatawa sa akin.

"Why are you laughing?" Tanong ng aso.

He talks? Wow. Well this is a dream, anything is possible.

"It tickles." Nakapikit kong sagot.

Kaya naman nang magdilat ako ng mga mata ay laking gulat ko na si Markus ang nasa ibabaw ko. Ang malambot niyang buhok ang hawak hawak ko at sa batok niya ako nakayakap.

"Markus! What are you doing? Get off me."

Tinulak ko siya pero hindi naman siya natinag. Nag-angat siya ng ulo at nakangiting tumitig sa akin.

"Matulog ka pa. Wag mo 'kong pansinin."

"Were you kissing me habang natutulog ako?" Kunot noong tanong ko saka ako nag-attempt na umupo pero hindi ko magawa dahil nasa akin ang buong bigat niya.

"You started it."

"What? How?" Naguguluhan kong tanong.

Umalis siya sa ibabaw ko pero nanatili akong nakakulong sa hita at bisig niya.

"Nagising ako kanina na dinidilaan mo yung leeg ko. Kinagat mo pa nga. Look."

Bahagya niyang inangat ang ulo at ipinakita ang side ng leeg na medyo namumula nga.

Did I really do that?

"E di sana ginising mo 'ko."

"Bakit ko naman gagawin yon? Eh ang sarap." Nakangising sagot niya.

Sinimangutan ko siya saka tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin saka ako umupo. Pero agad din niya akong hinila pabalik sa pagkakahiga.

Masarap? Kailan pa siya naging manyakis?

"Matagal na. Pero sayo lang."

"Did I say that aloud?"

"Mmm-hmm." Tango niya.

Bigla akong napayakap sa sarili ko. Ibig bang sabihin matagal na niya akong...

"Silly." Kinutusan niya ako sabay halik kung saan niya iyon ginawa. "Alam kong iniisip mo. Hindi kita pinagsamantalahan kahit minsan."

Nakahinga ako nang maluwag. Kung may mangyayari man sa amin ang gusto ko ay may malay ako. Wait what?

Why am I even thinking about 'that?'

I shook my head mentally and removed 'that' thought out of my mind.

"Let's talk, Kal."

"About what?" Patay malisya kong tanong kahit alam ko na ang gusto niyang pag usapan namin.

"Tungkol sa atin. The kiss we shared back at your apartment."

"We kiss often. Anong bago ron?"

"Really, Kal?" Masama ang tinging ipinukol niya sa akin saka niya itinukod ang isang siko sa kama. "There was something about that kiss!"

"It was just a kiss!" Ano bang gusto niyang mangyari? We're friends, for goodness' sake!

"JUST a kiss?" Sinabi niya iyon na tila ba puno ng hinanakit. "Very well. Then let me remind you how it was JUST a kiss."

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now