Twenty One

407 18 1
                                    

***Markus' POV***

"Hindi ba talaga pwedeng sabay tayong maligo? I won't do anything, promise." Pagbabaka-sakali ko kahit ilang beses ko na iyong naitanong. Hinalikan ko ang balikat niya nang ilang ulit habang pinipisil ang braso niya.

"Yan din yung sinabi mo kanina nang nag-offer ka na mamasahihin mo yung likod ko. Pero saan nauwi?" Umiling pa siya bago tuluyang tumayo mula sa gilid ng kama. "Give me a break." Pabiro siyang umirap pero hindi naman niyon naitago ang pamumula ng pisngi niya.

Nakangiti kong pinagmasdan si Kalen habang naglalakad tungo sa banyo.

Kung hindi siya oobserbahang mabuti ay hindi mapapansin ang bahagya niyang pag-ika. Patunay lang na hindi panaginip ang lahat. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Kuya Tim nang minsan ko siyang kausapin tungkol kay Kalen.

"F*ck him senseless hanggang sa ma-realize niyang para kayo sa isa't isa."

I didn't take that seriously though. Umangal pa nga ako sa brutal advice niya.

Pero kanina ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. I mean, I like him, no, I love him. He likes me. Ano pa ba ang dapat kong hintayin di ba?

And he looked so sinfully delectable earlier lying beside me with his baby pink shirt on.

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko. Ang intensyon ko talaga ay ang tuksuhin lang siya pero nang sabihin niyang gusto niya ako ay doon na ako bumigay.

I can't imagine kung ano at hanggang saan pa ang kaya kong gawin kapag 'I love you' na ang lumabas sa mga labi niya. Ngayon ngang 'I like you' pa lang ang narinig ko ay nademonyo na ako. What more upon hearing those three words from him?

Baka igapos ko na siya sa kama at hindi ko na siya pakakawalan pa. Damn! Thinking about those things with Kalen is driving me insane.

Kalen was hesitant and I just gave him a not-so-little motivation na siyang dahilan ng pag-ika niya. Hindi ko alam pero parang na-boost ang ego ko nang makita ko siyang bahagyang nahihirapan sa paglalakad.

Not that I enjoy watching him suffer. It's just that, palatandaan iyon na sa akin na siya.

God, finally!

He's mine now.

Hindi ko nabilang kung nakailang balik kami ni Kalen sa kalangitan and I never thought na capable ako sa ganoong kahabang 'exercise.'

I'm certain that I will never get enough of him. He's too addictive to get tired of.

Actually ay gusto ko pa kaya pinipilit ko siyang isabay ako sa pagligo. But he seemed tired. At hahayaan ko muna siyang makapahinga.

Umayos ako ng higa sa kama at ginawang unan ang dalawa kong kamay saka pumikit.

Huminga ako nang malalim at sinamyo ang atmospera sa loob ng silid na iyon. It smelled like sex and I loved it. Magkahalong amoy namin iyon ni Kalen na lalong bumubuhay sa pandama ko.

For now ay hahayaan ko muna siyang magpahinga. Besides, pareho na kaming gutom.

Tumayo ako at isinuot ang shorts na hinubad ko kanina. Kumuha ako ng towel sa drawer at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang banyo sa dulo ng hallway at doon na naligo.

Alam kong may naluto na nang mga oras na ito si Manang Gina but I want to cook for Kalen.

Pambawi. Nangingiti kong na-isaisip.

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

Matapos mapuno ng tubig ang tub ay agad akong pumwesto roon at nahiga.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now