Ten

319 20 1
                                    

***Markus' POV***

"Hah! Finally!" Makakapagpahinga na rin ako. I think kompleto naman na ang mga kailangang damit ni mommy. Kung may kulang man ay malamang na sa ibang araw naman siya mamili.

"Oh wait!" Pumasok si mommy sa nadaanan naming botique.

"Mum?" Napapabuntong hininga na lang akong sumunod at naupo sa maliit na couch. Ibinaba ko sa tabi ang paper bags na bitbit ko.

"Kalen, come here baby." Tawag ni mommy kay Kalen na agad namang lumapit. "You think bagay sa akin 'to?"

Ano bang meron sa mga babae? Bawat botique ay pinasok ni mommy. At sobrang tagal niyang pumili. Halos lahat ata ng nakadisplay ay naisukat niya.

And man, parang isang buwan na akong sunod nang sunod sa kanila ni Kalen. Pakiramdam ko nga ay nagwoworkout ako dahil nasa sampung bag na ata ang bitbit ko pero sa nakikita ko ngayon ay parang hindi pa nasisiyahan si mommy sa pamimili.

Sumandal ako sa couch at sinamantala ang ilang minutong pagsusukat ni mommy para makapahinga.

Mayamaya lang ay nakita ko nang nagbabayad si Mommy. Himala, usually ay halos kalahating oras siya bago makapamili.

"Let's go somewhere to eat, boys."

Ayoko nang magsabi ng "finally" dahil baka maunsyami na naman ang pag-alis namin sa nakakapagod na pagsha-shopping na ito.

Tumayo ako saka dinampot ang bags.

"Akin na yung iba." Alok ni Kalen. Napangiti ako dahil kanina pa siya tingin nang tingin sa akin at ilang beses na siyang nag-alok ng tulong.

"I can handle these. Anong gusto niyong kain, Kal, Mom?"

"I'm craving for seafoods, what about you honey?" Tanong ni Mommy kay Kalen.

"Seafood sounds good." Nakangiti niyang sagot.

"Seafood it is. Let's go."

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami ng mall na hindi na muling lumiko si mommy sa mga display ng damit.

Matapos kong mailagay sa back compartment ng kotse ang mga pinamili namin, o ni mommy, ay nag-drive na kami palayo para humanap ng seafood restaurant.

"So, tell me Markus. When will you settle down? You're not getting any younger."

Napatingin ako saglit sa rearview mirror na nakakunot ang noo.

"Mom. I'm only twenty eight. Bata pa ako."

"Twenty eight is not that young. Saka gusto ko nang may maipakilala ka sa akin."

Tinapunan ko ng maikling sulyap si Kalen. And I saw something in his eyes na hindi ko maipaliwanag dahil agad din iyong nawala.

Muli kong tiningnan si mommy sa salamin na parang sinasabi ng mga mata kong "really?"

Alam naman niya na si Kalen ang gusto ko. Why is she asking these things? Settle down? May ipakilala ako sa kanya? What is she trying to do?

"Bakit hindi si Kuya ang kausapin mo, mom? Mas matanda siya sa akin. Siya ang dapat mas maunang magpakasal."

"I already did. At kilala mo ang kuya mo. He's not the type na gusto ng commitment. Chelsea has already settled down. Kaya ikaw na lang ang iniintay ko."

Tahimik lang si Kalen and for the first in a long time ay ngayon ko lang hindi mabasa ang iniisip niya.

He smiles here and there pero hindi iyon genuine. And I hate it.

-------------------------------------------

"Are you sure, mom, na ayaw mo talaga sa condo ko mag-stay?"

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now