Twenty

414 20 2
                                    

***Kalen's POV***

"Bakit dadalhin mo lahat ng gamit mo? Di ka na ba babalik dito?" Kunot-noong tanong ni Markus matapos kong maisara ang maleta.

"Gusto ko muna ro'n sa bahay. Saka isang street lang naman ang layo nito, kaya madali ko lang madadalaw si Mommy Aurora. Oo nga pala, totoo bang two weeks na lang ay babalik na siya sa U.S.?" Wala ngayon si Mommy Aurora dahil nag-aasikaso siya ng biglaan nilang reunion ng classmates niya noong high school.

Tumango siya na ikinalungkot ko.

"Don't worry, magbabakasyon tayo ro'n next month. Promise."

"Talaga?"

"Mmm-hmm."

Nakangiti kong hinawakan ang handle ng maleta. "Tara. Hatid mo na 'ko."

"Wait."

Kumuha siya ng backpack at nilagyan iyon ng ilang pirasong damit.

"Saan mo dadalhin yan?" Tanong ko.

"Doon ako matutulog sa bahay niyo."

"Paano si Mommy Aurora? Wala siyang kasama." Naupo ako sa gilid ng kama at hinintay siyang makatapos.

"Nandiyan naman si Manang Gina at Mang Kaloy."

Bigla tuloy akong nagdalawang isip kung uuwi pa ako sa dati naming bahay. Mas mabuti siguro kung dito na lang muna ako magstay hanggang narito sa Pilipinas si Mommy Aurora. At uuwi na lang ako ro'n  pag-alis niya.

Two weeks na lang siyang mananatili rito, bakit nga ba lilipat pa ako?

"Ahm, Markus. Hindi na muna pala ako uuwi sa bahay."

"Bakit?" Huminto siya sa pagkuha ng damit mula sa closet at nilingon ako.

"Bigla akong nahiya kay Mommy. Malapit na siyang bumalik sa New Jersey ay saka naman ako lilipat. Dito na lang muna ako hangga't hindi pa siya umaalis."

Nakangiti siyang lumapit at tumabi sa akin.

"Good. Iniintay ko lang na maisip mo 'yan."

Sinimangutan ko siya.

"Kung naisip mo na 'yon bakit di mo sinabi sa akin? Now I feel bad about it."

"Gusto ko lang ikaw ang kusang makaisip. Malapit nang umalis si Mommy kaya sulitin na natin habang hindi pa siya bumabalik sa U.S."

Nahiga ako sa kama at iniunan ang dalawa kong kamay.

"Hmm. Lilibutan ko na lang muna sina Yaya Melda sa bahay para alam nila na dito muna ako. Kumusta nga pala yung café mo?"

Nilingon niya ako saka nagkibit-balikat.

"Doing great. Nawiwili na nga ako na nandoon si Kuya Tim at wala akong ginagawa."

Nahiga siya ng patagilid at itinukod ang isang siko sa kama saka tumingin sa akin.

"So..." Hinawakan niya ang collar ng suot kong shirt at bahagya iyong inayos. "Anong gagawin natin ngayon?"

Pilyong ngiti ba iyong nakikita ko sa mga labi niya?

Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring kalmado kahit nagsisimula nang lumakas ang tibok ng puso ko. Napakalapit ng mukha ni Markus sa mukha ko at naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

"Lumibot na lang tayo." Mabilis akong bumangon pero kinabig niya ako sa dibdib at muli akong ihiniga.

"Parang gusto ko lang dito sa bahay." Pabulong na sabi niya. "Lalo na dito sa kama."

An Open Letter to My Ex ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα