Twenty Five - Epilogue

654 24 10
                                    

AN OPEN LETTER TO MY EX
(25)

***Epilogue***

"Tito Makus, wake up!"

"Oh God, Kiel. Too early."

"But I'm hungy."

Iyon ang namulatan kong eksena. Nakaupo si Kiel sa likod ni Markus at nakatukod ang dalawang maliliit na kamay sa balikat habang dinidiinan iyon nang paulit ulit.

Lumingon sa akin si Kiel at nginitian ko siya.

"Tito Kawen." Gumapang siya palapit sa akin at naupo sa gilid ko. "I'm hungy." Malungkot na sabi niya.

Niyakap ko siya at diretso siyang nahiga sa pagitan namin ni Markus.

"Do you like pancakes?"

"I wove pancakes! Ah you gonna make me pancakes?" Namimilog mga matang tanong niya.

He looks adorably cute in his Batman pajamas.

"Ahm, I'd love to, but I know someone who can make delicious pancakes." Tiningnan ko si Markus at huling huli ko ang biglaan niyang pagpikit. "I know you're awake, Markus."

Tumagilid siya at niyakap kami ni Kiel.

"Where's your twin?" Tanong ni Markus habang nakasiksik ang mukha sa pisngi ni Kiel.

"In the oom, asweep."

"Go get your brother then we'll make pancakes."

"Yey!" Masiglang tumayo siya Kiel at lumundag mula sa kama.

"Kiel, I told you no jumping from high surfaces and no running!" Pahabol ni Markus sa tumatakbong si Kiel.

"So ey." Sigaw ni Kiel habang palabas ng kwarto.

"Anong sabi niya?" Tanong ko kay Markus nang tuluyan nang makalabas si Kiel.

"Sorry raw. Bakit nga ba natin ulit sinama ang dalawang makulit na yon dito sa Manila?" Yumakap siya sa akin at idinantay ang isang hita sa beywang ko.

"Because.. we want Ate Chelsea and Kuya William to enjoy their second honeymoon."

"Right." He said rolling his eyes. "Sana sumama na lang tayo sa kanila."

Tumawa ako at hinawakan ang pang-upo niya. Hindi ko alam pero natutuwa ako kapag pinipisil ko iyon.

"Hayaan mo na silang mag-celebrate ng anniversary nila. Sayang nga at bumalik na si Mommy Aurora sa US."

"I'm getting hard, baby." Sabay diin niya niyon sa puson ko.

"Bumangon na tayo, baka bigla na namang pumasok yung kambal. At mukhang gutom na talaga si Kiel. Come on."

Bumangon ako pero muli niya akong hinila pahiga.

"Do'n tayo sa bathroom. Saglit lang."

Akma niya akong bubuhatin pero agad akong bumangon.

"No, Markus. May mga bata."

"Mabilis lang 'to. Please, ilang araw na tayong bakante."

Bumaba siya ng kama at binuhat ako.

"Markus."

"Come on Kywe, open you eyes."

"I wanna sleep more, Kiel."

Napalingon kami sa pinto kung saan naroon ang kambal. Akay akay ni Kiel si Kyle na ngayon ay nakapikit at tila inaantok pa.

"Oh great!" Napapabuntong hiningan ibinaba ako ni Markus sa harap niya para takpan ang tent sa boxers niya na ngayon ay tumutusok sa likod ko.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now