Seven

325 17 2
                                    

"I'm really sorry about last time, babe."

Umiling ako habang nakangiti. "Naintindihan ko naman. And bumawi ka naman ngayon. So apology accepted."

Hinawakan niya ang kamay ko saka iyon hinalikan. "Let's have dinner again tomorrow."

"I'd love to." Puno ng sigla kong sagot.

"Oh wait." Binitiwan ni Drew ang kamay ko at tinungo ang kotse niya.

Binuksan niya ang pinto at ipinasok ang kalahati ng katawan. Parang may kinukuha siya sa backseat.

Nang bumalik siya ay may bitbit na siyang teddy bear at isang box ng chocolates.

"For you. Peace offering."

"Oh. Hindi naman na kailangan, but thank you. Bakit hindi ko ito nakita kanina sa kotse mo?" Kinuha ko ang mga iyon at niyakap ang stuffed toy.

"Secret." Nakangiti niyang sabi. "Pasok ka na. Gabi na rin oh."

Yumuko siya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Thank you ulit, Drew."

"No problem. Bukas ha?" Sagot niya sabay ng pagtunog ng phone niya. Dinukot niya iyon sa bulsa at tiningnan ang tumatawag bago iyon pinatay.

"Bakit di mo sinagot?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Prank caller."

Bahagya akong naalarma dahil base sa sagot niya ay parang matagal na siyang binubulabog ng prank caller na iyon.

"You mean, hindi ito ang unang beses na tinawagan ka ng prank caller na yan?" Isinatinig ko ang naisip.

"Don't worry about it, babe."

"Well, change your number then. Baka mamaya stalker mo na rin yan. Marami na ang masasamang loob ngayon."

"Hindi ako pwedeng magpalit nang ganun lang. Dito ako kino-contact ng clients ko. Pero wag kang mag-alala, I'll consider your idea. I have to go now, babe. Get inside."

"Okay. Ingat sa pag uwi. Goodnight."

"'Night."

Hinalikan niya ako sa noo bago sumakay ng kotse at umalis.

Nangingiti akong pumasok sa building at sumakay ng elevator.

"Hmm." Pinanggigilan ko ang hawak kong teddy bear. Sakto lang ang sukat niyon. Hindi malaki, hirin kaliitan. And it smells good.

Nang makarating ang elevator sa third floor ay lumabas na ako at pumasok sa unit ko.

Masaya ako dahil nagkaroon rin kami ng time ni Drew sa isa't isa. Nagtampo ako sa kanya dahil hindi siya sumipot noong nakaraan at balak ko talagang hindi siya kibuin, pero nang makita ko siya sa harap ng pinto ko ay kaagad nawala ang pagkainis ko sa kanya.

"Buti umuwi ka pa."

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita. Nakaupo si Markus sa sofa at nanonood ng TV.

"Sa dinner ako galing. Natural lang na gabihin ako." Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. "Look." Nakangiti kong ipinakita sa kanya ang mga ibinigay ni Drew.

"Pfft. Galing sa boyfriend mong hilaw? May pagka-jologs talaga yon."

Nasaktan ako sa sinabi niya kaya hindi ako kumibo.

"Sino pa ba ang nagbibigay ng tsokolate at stuffed toy sa kasintahan nila sa panahon ngayon?" Dugtong pa niya habang nakaismid. "He should've given you something more significant. Stuffed toys and chocolates are for teenag--."

An Open Letter to My Ex ✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant