Twelve

305 23 1
                                    

***Markus' POV***

"Come on, Kal. You have to eat."

Lalo lang niyang hinigpitan ang yakap sa akin bago mahinang umiling.

Mula pa kaninang tanghali nang dumating siya ay nakahiga na kami sa kama at ngayon ay madilim na.

Sa paputol putol na kwento ay nasabi na niya sa akin ang nangyari. At isinumpa ko sa sarili kong babasagin ko ang mukha ng hayup na 'yon kapag nagtagpo ang mga landas namin.

Gustuhin ko mang ikatuwa na tapos na sila ng bugok niyang ex ay hindi ko magawa, dahil sa nakikita kong lungkot kay Kalen.

He's my baby and it hurts me to see him like this.

"Kal, please? Kahit konti lang, come on. Pagluluto kita. Or do you want to order? Pwede tayong magpa-deliver na lang kung gusto mo."

"Hindi ba ako kamahal mahal?" Nakatingalang tanong niya na mamumula ang ilong at pisngi. And he was pouting.

I would've pinched his cheeks kung hindi lang ganito ang sitwasyon.

Sa halip ay hinawakan ko ang mamasa-masa niyang pisngi saka pinahid iyon gamit ang daliri ko.

"Don't say that, baby. You're very lovable."

"Then bakit ganon si Drew sa akin? Y-yun lang ang habol niya."

I looked into his eyes na ngayon ay puno ng hinanakit. God, I'd do everything para lang makita muli ang mga palangiti niyang mga mata.

"It's because he's an asshole. Hindi mo siya deserve. Sa totoo lang mas mainam nga na nalaman mo na agad ang motibo niya."

Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko hanggang sa lumitaw ang buong mukha niya.

"I hate him." Muli niyang ibinaon sa dibdib ko ang mukha niya kasabay ng mahihinang paghikbi.

"I also hate him, believe me. And I promise you na gugulpihin ko ang tarantadong yon. Wag ka nang umiyak. Igaganti kita."

Marahas siyang napatingala nang nakasimangot.

"Wag kang magmura. And don't be violent, baka masaktan ka rin."

Napangiti ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Don't worry about me. Kaya kong ilibing nang buhay ang ungas na yon na hindi man lang ako papawisan."

"No!" Inalis niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya saka naupo. "You're not gonna kill anybody. Hindi yon tama."

"Nagbibiro lang ako. Come back here." Nakangiti kong kinabig siya pahiga. "Pero hindi ko maipapangakong hindi siya makakatikim sa akin kapag nagkita kami."

"Hmp! Hayaan mo na lang siya. Baka mapahamak ka pa." Bulong niya.

Mayamaya ay kumalam ang sikmura niya na nakapagpabalik ng pag aalala ko.

"You need to it, baby, sa ayaw at sa gusto mo. Come on. Get up." Bumangon ako nang hindi siya binibitawan kaya napilitan na rin siyang bumangon.

-------------------------------------------

"Ah." Sinubuan ko siya ng beef siomai na agad naman niyang tinanggap.

We ordered some chinese dahil iyon ang paborito ni Kalen. Pero bago dumating iyon ay gumawa muna ako ng soup habang hinihintay ang inorder naming pagkain. Hindi naman nagtagal ay dumating iyon at kasalukuyan naming nilalantakan.

Yes, nilalantakan. Natutuwa ako dahil maganang kumain si Kalen. Oras na makita niya ang pagkain ay namilog ang mga mata niya.

And I took the opportunity to feed him. Why? Dahil gusto kong alagaan siya.

"Ah."

"Ikaw naman ang kumain."

Inabot niya ang soda sa carpet kung saan kami nakasalampak habang nanonood ng anime saka diretsong nilagok ang laman niyon.

Kinain ko ang para sa akin saka siya muling sinubuan.

"Hmm. I really like Inoue. Ang lakas ng niya." Tukoy niya sa babaeng character sa Bleach.

"Mas gusto ko pa rin si Ichigo. Mas malakas siya."

"No. Mas malakas si Inoue. Her abilities are amazing. She can heal wounds. At the same time, may abilities din siya na pang-offense. Look, hini-heal niya yung braso ni Grimmjow. She's very kind kasi kalaban nila yun pero tinutulungan niya. And she's very pretty too. Gusto ko rin magkaroon ng Shun Shun Rikka."

"Shun what?"

"Shun Shun Rikka. Yung hairpins niya. Dun nanggagaling yung powers niya."

"Well, mas malakas pa rin si Ichigo."

"How so?" Nanghahamon niyang tanong. "Ah."

Sinubuan ko siyang muli nang ngumanga siya.

"Well... Fine. Mas malakas nga si Orihime."

Ngumiti siya ng ngiting tagumpay. I know very well about Kurusaki Ichigo's abilities at kung gaano  siya kalakas. Pero kailangan kong "sumuko," dahil hindi naman magpapatalo si Kalen. Inoue is her favorite bukod kay Rukiya.

Isa pa, I wanna give him everything na makakapagpasaya sa kanya. Kahit sa walang kakwenta kwenta pagtatalo kung sino ba sa characters ng Bleach ang mas malakas.

Araw araw ay ganon lang ang routine namin ni Kalen. Kain, tulog, nood ng animé. I can say na nai-spoil ko na siya. Pero hindi naman nagdadalaqamg isip na gawin iyon. I will do everything para makalimot siya.

Sometimes ay pati pagsisipilyo sa kanya ay ako ang gumagawa. I'm not complaining though. I mean, I'm more than willing na maging alipin niya.

And I think it's working. Hindi na siya ganon kadalas umiyak. Though may mga gabi na bigla ko na lang maririnig ang hikbi niya. Minsan ay masungit siya sa akin. He's still in the process of moving on and I understand kung may mood swings siya.

Gaya ngayong umaga. Bigla na lang niya akong hindi kinibo. Wala naman akong maalalang sinabi o ginawa ko para magalit siya.

"Kal, baby, bakit ba ayaw mo kong kausapin?"

"Bakit ba baby ka ng baby sa akin? I'm not a baby."

"You are my baby mula noong mga bata pa tayo."

"I don't like the smell of your breath. Amoy tuna." Saka siya nagtakip ng ilong saka sumubsob pillow ng sofa.

"Well, kakakain lang natin ng tuna sandwich natural lang na mag-amoy tuna ang hininga ko. Ikaw nga amoy sibuyas ang hininga mo hindi ako nag-complain."

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin bago inamoy ang sariling hininga.

"Well.. kakakain ko lang ng onion rings." Tumayo siya saka ako hinila sa kamay. "Come. Brush my teeth."

Napapangiti-napapailing akong tumayo at sumunod sa kanya. Ganyan lang kami most of the time. 'Nagtatalo.' At siya lagi ang bigla na lang mang-aaway. But nothing serious.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya at hindi ko rin alam kung kailan pa siya nagka-monthly period.

But then again, he's moving on. At okay lang sa akin kung ako ang napagbubuntunan niya. Ang mahalaga ay nasa tabi niya ako at handa akong maging kahit ano para tuluyan na niyang makalimutan ang hinayupak na ex niya.

Ang malungkot lang ay hanggang sa isip ko na lang namumura ang magaling niyang ex. You know Kalen. Ayaw niya ng nagmumura.

"Your turn. I'll brush your teeth, too." Sabi niya nang makayari ako sa pagsisipilyo sa kanya.

See? Kanina lang ay ang sungit niya. Ngayon naman... napapailing na lang ako sa isip ko.

Kalen. My Kalen. You crazy, stupid kid. Kung hindi lang kita mahal....

-------------

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now