Six

325 19 1
                                    

Kahit anong gawin kong focus sa sinusulat ko ay hindi ko magawa. Panay ang check ko sa phone ko kung may reply na ba si Andrew sa messages ko, pero sa tuwing titingnan ko ay nadidismaya lang ako.

Napapabuntong hininga kong itiniklop ang laptop at tinungo ang balcony ng kwarto.

Muli akong nag-dial pero unavailable pa rin ang number niya. Tumingin ako sa malayo. Kahit maganda ang tanawin at malamig ang hangin ay hindi ko iyon ma-appreciate.

One message.

Yun lang naman ang kailangan ko. Ang sabihin niya kung bakit hindi siya maka-reply or makasagot sa tawag ko.

Am I being clingy? Kung oo, hindi ba ganoon naman dapat ang magkasintahan? Like, you update each other kung ano ba ang ginagawa niyo. Kung ano ang plano niyo o gagawin niyo sa araw na iyon.

Iyong i-che-check niyo iyong isa't isa. Gaya ng, kumain ka na ba? Matutulog ka ba? Pauwi ka na ba galing work? Kumusta ang araw mo?

Mga simpleng bagay pero para sa mga magkasintahan ay may malaking halaga ang mga iyon. Dahil kahit hindi kayo magkasama sa lahat ng oras ay mahalaga na alam niyo ang nangyayari sa isa't isa.

But since yesterday ay wala man lang akong natatanggap na kahit isang message mula kay Drew.

Muli akong pumasok sa loob at nahiga sa kama. I can't write when my mind is pre-occupied. And two weeks na lang before my deadline.

"Ugh! I hate this feeling."

Importante pa ba ako kay Drew? If so, then why wouldn't he respond to my messages and return my call?

Ring.

Kabog ang dibdib ko at napuno iyon ng antisipasyon nang tumunog ang cellphone ko.

It read, "Babe."

"Finally!"

Sinagot ang tawag matapos maupo.

"Drew."

"Babe, sorry ngayon lang ako nakatawag sayo. I was very busy, actually busy pa rin ako ngayon. Tumawag lang ako para alam mo."

"Oh. Ahm. Okay lang. Will you be busy tomorr--."

"Babe, I'm so sorry, I have to go. Babawi na lang ako sayo, ha?"

"Wait--."

Beep. Beep. Beep.

Bagsak ang mga balikat na napabuntong hininga ako.

Great.

Hindi man lang nagtagal ng isang minuto ang pag-uusap namin. Sa dami ng mensahe at missed calls ko sa kanya, ilang segundo lang ang kaya niyang ibigay?

Haaaaa.

But at least, nakaalala siya na ipaalam sa akin na busy siya. At mukhang busy naman talaga siya. Kahit marami siyang ginagawa ay nakapaglaan siya ng kahit kaunting oras para tawagan ako.

And I appreciate that. And he promised na babawi naman siya.

Muli akong nabuhayan ng loob.

Binuksan kong muli ang laptop at nagsulat. Ngayon ay nasa mood na akong muli. Iyon lang naman ang iniintay ko. Ang malaman kung bakit hindi siya nagpaparamdam. Kahot hindi niya nasabi ang eksaktong dahilan kung bakit siya busy ay ayos lang.

Maybe, he's on a rush. A deadline or something.

Ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat at ilang saglit lang ay para na akong nasa ibang mundo. Mundo ng mga karakter sa isinusulat kong nobela.

When I write, it feels like I'm being transformed into the persona of my fictional characters. Hindi ako si Kalen kapag nagsusulat ako, bagkus ay nag iiba ang personality at character ko ayon sa mga tauhang binubuo ko.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now