Five

316 17 9
                                    

***Kalen's POV***

Nagdilat ako ng mga mata kahit antok na antok pa ako. Mag-u-umaga na kung ang pagbabasehan ko ay ang liwanag na nakikita ko sa bintana.

Pumikit akong muli saka sumiksik sa dibdib ni Markus. Bahagya naman siyang nag adjust at mahinang umungol kasabay ng paghigpit ng braso at binti niyang nakapulupot sa akin.

I feel so safe and warm in his arms. Just like the old days.

-------------------------------------------

"Kalen!"

"Mawkus!" Tumatakbo akong lumapit sa kanya saka siya niyakap.

"Good evening, Aurora." Bati ni Mommy sa mommy ni Markus.

"Good evening. Sleepover?" Nakangiting tanong ni Mommy Aurora.

Nagkibit balikat si Mommy at pumuti ang mata. "My baby wouldn't stop whining about coming over here. Do you mind?"

"What are you talking about? Of course it's fine with me, Bea. Ito rin namang si Markus ko, kanina pa nagpapahatid sa bahay niyo. Good thing you're here, I didn't have to drive." Saka sila nagtawanan. "Come inside."

"Ah, hindi na ako magtatagal, papadilim na rin. Susunduin ko na lang si Kalen bukas ng umaga. Kalen, be a good boy, okay?"

Masigla akong tumango.

"Tara sa kwarto ko. Marami akong bagong cartoons." Sabi ni Markus saka ako hinila sa kamay.

"Yehey."

Tumatakbo kaming umakyat sa hagdan.

"Careful! He didn't even kiss me goodbye."

"You know how those kids kapag magkasama. Focused lang sa isa't isa."

Narinig ko pang palitan ng salita nina Mommy at Mommy Aurora.

Pagpasok namin sa kwarto ni Markus ay agad akong lumundag sa kama niya nang ilang beses habang nagbubukas siya ng TV at dvd player.

Nang magsimula ang cartoons ay awtomatiko kaming naupo sa kama na magkatabi at tutok na tutok sa palabas.

"Ano yan?" Napalingon kami sa pinto nang pumasok si Ate Chelsea.

"Ate Chelsea! Lika nood kami ng cawtoons." Masaya kong aya sa ate ni Markus saka ako lumundag sa kama. "Come, come."

Naupo siya sa tabi ko. "Bakit ba bulol ka Kalen?"

"Eh kasi bata pa siya ate. Wag ka ngang nakikialam." Parang naiinis si Markus na sumagot.

"Big boy na ko sabi ni mommy saka sabi win ni Mommy Auwowa."

Tumawa si Ate Chelsea habang hinahampas ang kama.

"You're just five. Baby ka pa."

"Hindi ako baby!" Nakasimangot kong sagot kay Ate Chelsea. "Mawkus oh."

"Ate, tumigil ka na nga. Big boy na si Kalen tulad namin ni Kuya Tim. Manood ka na nga lang din. Dito ka sa kabila Kalen."

Gumapang ako sa kabilang side kaya si Markus na ang nakagitna.

Inakbayan niya ako na nakapagpangiti sa akin saka ako sumiksik sa gilid niya.

"Pfft. I'm sure you'll get married one day."

Lumabas na si Ate Chelsea ng kwarto.

"Can we get mawwied?" Tanong ko kay Markus.

"I don't know. Why?"

"Because... Mommy and Daddy awe mawwied, and they awe always togethew. I like that too. I want Kalen and Mawkus to be togethew fowevew."

"Then we'll get married someday."

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now