Eighteen

343 21 0
                                    

"You seem sad, honey. What's wrong?"

Tumabi sa akin si Mommy Aurora sa mababang couch na nasa porch.

Nginitian ko siya saka ako tumingin sa malayo. Masama pa rin ang panahon pero hindi na katulad nang nagdaang gabi. Pabuhos buhos na lang din ang ulan, ngayong tanghali ay ambon na lang.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Mommy Aurora ang tungkol sa amin ni Markus.

Will she understand? Will she approve?

Minsan ko nang narinig na kinukulit niya si Markus about sa status niya. Kahit hindi diniretso ni Mommy Aurora ay alam kong gusto na niyang magkaroon ng apo kay Markus sa sinabi niyang 'settle down.'

But she's our mother, well, not my biological mother but my mother in any sense. She has to know, right? Maybe not now.

"Nothing, mommy. Dala lang po siguro ng panahon." Nakangiti kong sagot.

I could feel her eyes on me kahit hindi ako nakatingin.

"I knew about it, sweetheart."

Napalingon ako sa kanya. Alam niya? How?

"Markus told me. Pero mas gusto kong marinig mula sayo."

Markus. He should have kept it between us. At least for the meantime.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

"I don't know, mommy. Magkaibigan kami and.." Alanganin akong tumingin sa mga mata nuya saka nagpatuloy. "Yung huling relationship ko po ay hindi nag-work. And I'm afraid that it will also happen to us."

Nang hindi siya sumagot ay muli akong nagsalita. Tutal alam naman na ni Mommy Aurora, sasabihin ko na lahat.

"Besides, y-you.. you want Markus to have his own family. I mean, a wife and.. children." Halos pabulong lang iyon dahil para bang ayaw lumabaa ng mga salitang iyon mula sa lalamunan ko.

"Who said?"

Yumuko ako dahil bigla akong nahiya. Parang sa huling sinabi ko ay balakid si Mommy sa amin ni Markus. I didn't mean it to sound like that. "Sorry."

"For what?" Kinuha ni Mommy Aurora ang kanang kamay ko at pinisil iyon. "You know what, honey, hindi mahalaga sa akin kung sino ang mamahalin ng mga anak ko. As long as they are happy, I have no complains." Nakangiti niyang sabi.

Tumingin siya sa malayo na parang pinanonood ang pagbagsak ng mahinang ulan.

"Noong bata pa si Markus mahilig siyang maglaro sa playground malapit dito. You know that place, right?"

Tumango ako kahit hindi siya nakatingin.

"One day he went home running at sigaw nang sigaw ng 'Mommy, mommy!' I thought kung napaano na siya." Saglit siyang huminto para tumawa.  "Then he told me about 'a cute little kid' he met at that playground. And since that day, araw-araw, believe me, honey, araw-araw niyang bukambibig that that 'cute little kid' reminded him of his favorite teddy bear.

"At kung dati ay sa umaga lang siya nagpupunta sa playground na yon, halos maghapon ay nandoon siya mula ng makilala niya ang batang iyon. He even skipped meals sa paghihintay na bumalik doon ang batang tinutukoy niya. Tim even stayed with him para may kasama siya sa playground na iyon."

I looked at her face na para bang may pinapanood siya habang inaalala ang nakaraang iyon.

"Most days ay umuuwi siyang malungkot. Whenever I'd ask him what was wrong, ang isasagot lang niya ay "he's not there" at didiretso na sa kwarto niya. I could imagine how hopeful he was while waiting at that playground and I could feel his loneliness kapag umuuwi siya. I mean, ano ba ang maitatago ng isang limang taong gulang na bata sa magulang niya di ba?"

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now