Sixteen

324 19 1
                                    

***Markus' POV***

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at ginawa ko iyon kay Kalen. Pero hindi ko iyon pinagsisisihan. Not even a bit. I enjoyed it actually. And I want more.

I have always fantasized about that kind of kiss with me and Kalen as the subject. Yes, we've kissed many times. Pero friendly kiss lang iyon, kung higit pa roon ay brotherly kiss. Pero kanina, damn, tama ako, napakasarap niyang halikan.

Kung hindi lang tumawag si mommy ay baka kung saan na napunta ang halik na iyon. Gusto ko pa sanang ituloy. But when I saw confusion in his eyes, naisip kong huwag muna siyang biglain.

I mean, we've been friends/brothers since childhood, kaya maiintindihan ko kung maninibago siya matapos ng nangyari kanina sa unit niya.

"You boys are strangely silent it bothers me. Something wrong? Markus?" Tanong ni mommy sa backseat.

"Baka nag-away sila ni Kal." Singit ni Kuya Tim na siyang nagda-drive ng kotse para ihatid kami sa airport.

"Hindi." Agad na sagot ni Kalen na katabi ni mommy. "Ahm, medyo nae-excite lang po akong umuwi."

God, he sucks at lying. You'd know when he lies, alanganin ang ngiti niya, malikot ang mga mata, at bahagyang kinakagat ang pang ibabang labi.

Nagtama ang mga mata namin sa rearview mirror pero agad siyang nag iwas at sa labas ng bintana tumingin.

Nahihiya ba siya sa akin? Kanina rin noong sunduin namin sina mommy at Kuya Tim ay tahimik lang siya. Kapag tinatanong ko siya ay oo at hindi lang ang sagot. Iniiwasan niya ba ako? Kung gano'n, di ako papayag.

-------------------------------------------

"Markus, honey, palit tayo ng upuan. Mas gusto ko sa tabi ng bintana."

Nakasakay na kami sa eroplano at ang magkatabi ay sina Mommy at Kalen.

"Dito ka na lang mommy, tayo na lang po ang magpalit." Agad na alok ni Kalen sa pwesto niya na tabi rin ng bintana at nasa likod ko.

"Oh no, sweetheart, alam kong yan ang favorite seat mo kapag lumilipad. Doon na lang ako sa pwesto ni Markus." Palihim na kumindat si Mommy sa akin nang hindi nakatingin si Kalen.

Nang tumayo si Mommy ay nakiraan ako sa katabi kong pasahero at inokupa ang dating pwesto niya sa tabi ni Kalen.

Pag upo ko ay may nakapasak nang headseat sa tenga niya.

Pumalatak ako kasabay ng buntong hininga. So ayaw niya akong kausap? Well, hindi yon mangyayari. Tinanggal ko ang suot niyang headset at ibinaba iyon sa kandungan ko.

"Bakit di mo ko pinapansin, Kal?"

-------------------------------------------

***Kalen's POV***

"Ha?"

"Tungkol ba 'to sa nangyari sa unit mo?" Muling tanong ni Markus.

Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya dahil nahihiya ako. And what happened back at my apartment was totally awkward.

He kissed me as if I was his.. boyfriend. At ang nakakapanliit ay hindi man lang ako pumalag.

"W-wag na nating pag-usapan 'yon. Please."

"Why? Galit ka ba sa akin?"

"No."

"Then bakit pakiramdam ko ay umiiwas ka?"

Kinuha niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa palad niya.

"Just... gusto kong matulog. Inaantok ako." Pagdadahilan ko.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now