Fifteen

369 20 1
                                    

***Markus' POV***

"Bacon." Sabi ko matapos niya akong painumin ng orange juice.

Ibinaba ni Kalen sa side table ang baso saka tinusok ang isang buong strip ng medyo sunog na bacon at inilapit iyon sa bibig ko.

"Hiwain mo naman."

"Kaya mo naman kasing kumain mag isa. Bakit nagpapasubo ka pa?" Reklamo niya pero sumunod pa rin sa request ko.

"Eh masakit pa nga. Kaya nga dito ako sa kama kumakain kasi di ako makalakad." Dahilan ko lang iyon. I'm perfectly fine. Wala na akong nararamdamang sakit. Gusto ko lang alagaan niya ako. "Sige kung ayaw mo di na lang ako kakain." Sumandal ako sa headboard ng kama saka inayos ang kumot at iniwas ang mga mata ko sa direksyon niya.

"Oh. Eto na." Muli niyang inilapit ang tinidor. This time ay maliit na ang pagkakahiwa ng bacon.

"Masama yata loob mo eh. Hayaan mo na lang akong magutom."

"Eto na nga. Wag ka nang mag-inarte. Oh."

Nakangiti akong ngumanga at tinanggap ang pagkain. "Mmm."

"Pakiramdam ko magaling ka na. Gusto mo lang pagsilbihan kita eh."

Tama siya pero hindi ko iyon aaminin. Nag eenjoy pa ako sa pag aasikaso niya sa akin. Kahit na nga may mga parteng sunog ang niluto niyang bacon at omelette. Still, nag-effort siya para sa akin.

"Juice."

Tumalima siya para kuhanin ang baso saka niya inayos ang straw at inilapit sa labi ko.

"Gumagana naman yang mga kamay mo, ayaw mo lang gamitin."

"Hindi mo naman ako matitiis di ba? Kasi mahal mo 'ko." Confident na sabi ko saka siya binigyan ng matamis na ngiti.

I saw something in his eyes pero agad din iyong nawala nang umirap siya.

"At sinasamantala mo 'yon."

"Naglalambing lang naman ako. Sinusubuan din naman kita ah. Lalo na noong nag-break kayo---." Natigilan ako sa sasabihin ko. "Sorry. I didn't mean to bring that up." Good going Markus Vienne. Nice. You just reminded him of his asshole of an ex.

Nagkibit siya ng balikat saka hiniwa hiwa ang bacon at hotdog.

"Okay lang. Tanggap ko naman na yung nangyari." Muli niya akong sinubuan saka pinahid ng daliri ang gilid ng labi ko.

"You mean.." nginuya ko mula ang pagkain saka nilunok bago nagpatuloy. "Nakaka-move on ka na?"

"I think so. Noong unang beses niya akong iniwan ay hindi ko alam ang dahilan kaya para akong nakakulong sa nararamdaman ko at sa nakaraan. Like, wala kaming closure kaya di ko alam kung magmo-move on na ba ako o aasa pa rin sa kanya." Muli niyang inilapit ang tinidor na may piraso ng omelette sa bibig ko at tinanggap ko naman iyon. "But this time, it's different. Alam ko na kung saan ako lulugar."

For a moment ay hindi ako nagsalita o nagkomento sa sinabi niya. Tinitigan ko lang siya at naghintay ng iba pa niyang sasabihin.

"These past few days ay na-realize ko na, hindi naman niya iyon magagawa sa akin kung mahal niya talaga ako. I mean, love comes along with loyalty. Hindi sila pwedeng magkahiwalay. And clearly, hindi siya naging loyal sa akin, it only means that he never really loved me."

"Did you?"

Napatitig siya sa akin at sa ilang segundong iyon ay para akong nahipnotismo sa malamlam niyang mga mata. Iyon ang mga matang gustong gusto kong nakikita pagdilat ko sa umaga at ang huling bagay na nasisilayan ko bago matulog. They are beautiful.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now