Four

404 19 1
                                    

"What?" Naiinis kong sagot sa kabilang linya.

"Asan ka na?"

"Nandito pa rin."

"Hanggang ngayon hindi pa dumarating yung boyfriend mong hilaw?"

Sinimangutan ko si Markus na parang kaharap ko lang siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang tumawag para i-check kung nasaan na ako at nagsisimula na akong mairita.

Kada dalawang minuto yata ay tumatawag siya.

"Baka na-traffic lang iyon."

"Pss. Lame."

"Ten minutes pa."

"Ten minutes? You've been there waiting for half an hour! Wag kang aalis diyan susunduin kita."

"Mar--."

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil tinapos na niya ang tawag.

Malungkot akong napabuntong hininga. He's right, kanina pa ako naghihintay sa restaurant na 'to. Panay na nga ang tingin sa akin ng waiter at nakailang tanong na rin kung mag-oorder na ba ako.

Tumayo na lang ako at nag iwan ng tip sa table.

Nang mapadaan ako sa harap ng waiter ay nanghingi ako ng dispensa saka lumabas ng restaurant.

Nanlalata akong naglakad at humanap ng mauupuan.

"Babe!"

Agad akong palingon at parang biglang nagliwanag ang mundo ko nang makita kong patakbong lumapit sa akin si Drew.

"I'm so sorry, babe. May emergency kasi yung kaibigan ko. Ako lang ang matatakbuhan niya. Sorry talaga."

Mukhang sinsero naman siya sa paghingi ng tawad.

"Okay ka lang ba?" Tanong nang mapansin kong gulo-gulo ang damit at buhok niya. "Yung kaibigan mo okay lang ba?"

"Oo. Ayos na. Wag kang mag-alala." Nakangiti niyang sabi saka inayos ang buhok. "First official date pa naman natin ay pinaghintay kita nang matagal. Pasensya na talaga."

"It's okay. Wala namang may gusto non." Saka ko siya ngitian para i-assure na okay lang talaga sa akin.

"Sigurodo ka?"

Tumango ako. "Marami pa namang araw na pwedw tayong mag-date."

"What? No, ituloy natin yung date natin. Come on. Let's get inside."

Natutuwa akong pumayag dahil akala ko ay hindi na tuloy ang date namin. Inakbayan niya ako at muli kaming pumasok sa restaurant kahit medyo nag-aalinlangan na ako dahil sa matagal kong pinaghintay sa wala ang waiter.

Pagpasok namin ay agad na kaming nag-order.

Nginitian ko ang waiter at muling tinapunan ng tingin na nagpapaumahin. Magiliw naman kaming inasikaso ng waiter na si Jed ayon sa nameplate niya.

"Sana hindi ka madala, babe." Sabi ni Drew nang makaalis si Jed.

"Ha? Saan?"

"Sa pakikipagdate sa akin. Nahihiya talaga ako sayo."

Hinwakan ko ang kamay niya saka ako ngumiti. "Ano ka ba? Okay lang talaga. Saka hindi ako madadala gaya ng iniisip mo. Kaya wag mo nang masyadong damdamin kung hindi ka nakasipot sa oras."

"Kalen."

Napaangat ang tingin ko sa tumawag sa akin.

Oh. Nakalimutan kong papunta nga pala rito si Markus at hindi ko siya natawagan para sabihing dumating na si Drew.

An Open Letter to My Ex ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin