Three

500 21 1
                                    

"Mahal mo rin ba ako?" Namumungay ang mga matang tanong niya sa akin.

"Noon pa." Sagot ko na nakapagpaliwanag sa gwapo niyang mukha.

Unti unti ay bumaba ang mukha niya sa akin kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

Buzz.

Come on. Kiss me already.

Buzz.

Nagdilat ako ng mata. Panira ka talaga Markus. Konting konti na lang ay maglalapat na ang mga labi namin ng lalaki sa panaginip ko.

Pero pilit ko mang alalahanin ang mukha niya ay hindi ko maalala kahit ilang beses ko na iyong napanaginipan. Pero sa tuwing malapit nang maglapat ang mga labi namin ay nagigising ako sa iba't ibang dahilan.

Tiningnan ko ang oras. 10:43 am. Tanghali na rin pala.

Ano bang kailangan ni Markus? Saka alam naman niya ang passcode ng unit ko bakit nagbu-buzzer pa siya?

Nag inat ako bago tumayo at tinungo ang pinto.

"Ala mo na ang pass--."

Natigilan ako sa pagsita sa inakala kong si Markus nang makita ko kung sino ang nambubulabog sa unit ko.

"Hi." Simpatikong bati niya.

Dali-dali kong isinara ang pinto at sumandal doon.

Oh Mary mother of Jesus!

I look like a mess! Ni hindi pa ako nakakapagtanggal ng muta o nakakapagtoothbrush o hilamos man lang. Gulo gulo rin ang buhok ko.

And I'm in my Spiderman PJs!

Muli kong binuksan ang pinto na sapat lang sa kalahati ng mukha ko.

Naroon pa rin si Drew at nakangiti nang makita akong nakasilip.

Oh God. This is embarrassing!

And what is he doing here? Nang isasara ko na ulit ang pinto ay pinigilan niya iyon.

"Can we talk? Please?" Tanong niya sa maamong mukha na hindi ko kayang tanggihan.

Oh boy. Parang gusto ko na agad siyang patawarin.

"Ahm. I-i. Give me a sec."

Mabilis kong isinara ang pinto at para akong ipo-ipo sa bilis kong maglinis ng katawan at magbihis.

Mabilis ko ring naitabi ang mga kalat sa salas.

Matapos niyon ay binuksan ko ang pinto at naroon pa rin si Drew na matiyagang naghihintay.

"Sorry, nainip ka yata. Pasok ka." Nahihiya kong sabi saka ko niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.

Naghubad siya ng sapatos bago pumasok then slipped on the open back gray slippers.

"You have a nice place."

"Thank you. Have a seat. Ahm. Do you want something to drink?"

Naupo siya sa sofa at tumingin sa akin.

"Don't bother. Come here." Nakangiti niyang sabi saka tinapik ang space sa tabi niya.

Hindi ko alam pero kumakabog ang dibdib ko. Is here para makipag ayos sa akin?

Naupo ako sa sofa. Bahagya siyang lumapit sa akin at kinuha ang kamay ko.

"I know I left you just like that. At wala akong rason para i-justify ang nagawa kong mali. Pero..." tumikhim siya bago nagpatuloy. "Will you give me a second chance?"

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa mga mata niyang puno ng sinseridad. I've been waitingfor this for too long. Ang bumalik siya at madugtungan ang nakaraan namin.

An Open Letter to My Ex ✔Where stories live. Discover now