Chapter 5: Void

56.6K 1.5K 76
                                    

AIERE'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AIERE'S POV

Nananatiling lebel ang paghinga ko kahit pa nararamdaman ko ang pagkagat ng cable ties na mahigpit na nakatali sa kamay ko na nakapaikot sa likod ng upuan at magkahugpong. Nanatili akong dahan-dahan lang sa paggalaw dahil isang maling kilos ay mahuhulog ako sa malalim at mataas na container sa ilalim ko na puno ng tubig. Nakabingit roon ang kinauupuan ko.

"Sa tingin mo ba magagawa mong makatakas? Wala ka ng kawala. Kung magpipilit ka, hindi ako mangingiming ihulog ka at hayaan kang malunod hanggang sa mawalan ka na ng hininga. Kaya makisama ka na lang. Sabihin mo sakin kung ano ang password na ikaw lang ang nakakaalam. Kapag sinabi mo...pakakawalan na kita."

Pinigilan kong mapangiwi sa litanya ng kaharap ko at pilit tinutok ko ang atensyon ko sa ginagawa kong pagkiskis sa mga kamay kong nakatali ng cable ties. Kahit ang mga paa ko ay natatalian din ng gano'n pero nanatili akong kalmante.

This situation is more irritating than nerve-wracking. Lalo na at kanina pa hindi tumitigil kakasatsat ang lalaki sa harapan ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ng mga dialogue na pilit naman ang pagka-antagonistic.

"Sabihin mo na sabi! Pag binigay mo sakin ang kailangan ko sa'yo pwede ka ng makaalis ng ligtas."

Kunot ang noo na tinignan ko ang lalaki na pinatapang pa ang mukha niya. Kung hindi lang may kapalit ang ginagawa ko baka tinawanan ko na siya at hindi ko na itinuloy 'to. "Pwede 'wag kang maingay? Naiirita ako sa boses mo eh."

Laglag ang panga ng lalaki na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Mukhang hindi na din niya alam ang gagawin niya. Kung ipagpapatuloy ba niya ang ginagawa niya o pababayaan na ako.

Ipinilig niya ang ulo niya na para bang inaalis niya sa isipan niya ang pagkabigla sakin at ibinalik ang version niya ng 'intimidating' face. Ang kaso hindi talaga umuubra. Kung bakit naman kasi may ganito pa. Pwede naman nila akong pabayaan na matapos 'to.

"Hindi mo ba talaga ibibigay? Sa tingin mo ba makakaalis ka diyan ng wala ang tulong ko?"

"Oo." walang pag-aalinlangang sabi ko.

He gritted his teeth. Lumapit siya sakin at humawak sa armrest ng kinauupuan ko dahilan para gumalaw 'yon. Napatingin ako sa ilalim ko kung saan kitang-kita ko ang tubig na kababagsakan ko. I admit, mataas ang kinaroroonan ko at mula sa kinaroroonan ko walang dudang malalim ang tubig na 'yon.

Inilapit niya sakin ang mukha niya at muli siyang nagsalita, "Hindi mo parin ba naiintindihan? Kahit makakawala ka diyan, ibabalik lang kita ulit dahil hindi mo ako matatakbuhan." lalo niyang inilapit ang mukha niya sakin hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang layo no'n. "Ibigay mo sakin ang password."

Napakurap ako. Totoo ang sinabi niya. Walang kasiguraduhan na kapag nagawa kong kalagin ang cable ties na ngayon ay nagsisimula ng lumuwag dahil sa friction mula sa ginagawa ko ay hindi ibig sabihin no'n hindi niya ako magagawang hulihin ulit.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now