Chapter 25: Dream

50.2K 1.7K 112
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

A/N: See you guys sa March 30 sa Grand Fans' Day! Sa mga hindi nakapag register, it's okay. You can still attend the booksigning at 4PM.

Where: #16 Sto Domingo Ave., JRich Building (Precious Pages New Building. Just in front of Sto. Domingo Church and Angelicum College), Quezon City.


ARCHER'S POV

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang suot na kurbata. I've been repeating that action for I don't know how many times. Pero hindi ko kailangan kabahan. Matagal ko ng pinaghandaan ang bagay na ito. Bata pa lang ako ay inihanda na ako para sa pagdating ng oras na 'to.

"Are you, okay? You look awful!"

Nilingon ko ang nagsalita at bumulaga sa akin ang isang babaeng ngayon ay ngiting-ngiti na pumasok sa kwarto ko. Tumalon siya sa kama at hinila ang kanina ay maayos na nakasalansan na unan at niyakap iyon.

"I'm fine. Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan." sabi ko sa kaniya habang muli kong ginalaw ang kurbata bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Napapabuntong-hininga na binaba ko ang mga kamay ko at umupo na lang ako sa desk chair ko at nilingon ang babae. "Nag practice ka ba kahapon?"

She rolled her eyes at me. "Lagi naman. Wala na nga akong social life kaka-practice."

"Right. Kaya pala two days ago lang nasa party kayo ng mga kaibigan mo. 'Yan pa ang walang social life."

"Kuya, iba ang pakikipag-socialize with an intention to meet new people sa nasa party ako na wala akong choice kundi puntahan dahil inaya ako ng anak ng amiga ni Mama. I don't even like Nelie."

Napakunot noo ako. "Bakit hindi mo gusto si Nelie? Because she's older than you?"

"Of course not."

"Because she's hot?"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata at binato ako ng unan na hawak niya. "Mas hot ako kesa sa kaniya no."

"I have no way to confirm that because you're my sister, Ash. Nelie on the other hand is not my sister and clearly not your friend so-"

"O-M-G kuya! Don't even go there!" she said as her body shivered with obvious disgust. Lukot na lukot ang mukha niya na para bang may kahindik-hindik siyang naiisip. "I swear, kuya, hindi na kita kakausapin kapag pinatulan mo ang Nelie na 'yon. She's a mean cow! She's prickly sweet kapag kaharap ako pero kung ano-ano naman ang sinasabi niya about sa akin behind my back. Then she keep on copying the things I like and she even enrolled for piano lesson."

Napailing na lang ako habang pinipigil ang ngiti at nagbaba ng tingin sa mga kamay ko habang pinapakinggan ang paglilitanya ng kapatid. Hindi naman malayo ang agwat ng edad namin pero pakiramdam ko teenager pa rin siya na may kaaway sa high school samantalang patapos na siya ng kolehiyo.

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon