Chapter 7: Indulge

56.8K 1.6K 240
                                    

A/N: Let's thank Starbucks and Coffee Project sa pagtanggap sa insekto-self ko na makigamit ng kuryente at wifi nila sa bago kong trip sa pagsusulat <3 Thank you for their comfy seats dahil kusang lumalabas ang mga idea sa utak ko na akala ko eh b...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Let's thank Starbucks and Coffee Project sa pagtanggap sa insekto-self ko na makigamit ng kuryente at wifi nila sa bago kong trip sa pagsusulat <3 Thank you for their comfy seats dahil kusang lumalabas ang mga idea sa utak ko na akala ko eh barado na.

AIERE'S POV

Sunod-sunod na napakurap ako habang nakatingin sa establishimento sa harapan ko rito sa loob ng Serin Ayala Mall sa Tagaytay kung saan ako dinala ni Archer. Ineexpect ko na sa inuman kami pupunta dahil dadalin niya daw ako sa lugar na 'makakalimot' ako. Well, actually may isa pa akong unang naisip na gagawin niya para makalimot ako. Talk about lumot-filled brain, right?

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto mo makalimot diba? You need comfort. And you can start with comfort food because I'm just helping you find that...not exactly giving you comfort." Nang mapansin niyang nagtataka ako sa sinabi niya ay napapabuntong-hiningang nag explain siya. "Do you really think I can comfort a broken hearted person?"

He can. He actually did a couple of times. Pero wala akong balak aminin sa kaniya 'yon kaya iningusan ko na lang siya.

I looked up again at the establishment in front of me. Ilang mga tao ang napapatingin samin at alam kong hindi iyon dahil lang sa nakatunganga kami sa mismong tapat pa ng pintuan kundi malamang sa hindi ay dahil sa katabi ko.

"Hindi comfort food ang milk tea." Or is it? Ay ewan! Ang alam kong comfort food ay fast food. Lahat ng hindi healthy.

"Uso 'yan ngayon." sabi ni Archer na nakakunot-noo. Itinaas niya ang phone niya at pinakita sakin ang message na nasa cellphone niya. "Tinanong ko si Harmony, 'yan ang una sa listahan niya."

Nilapit ko ang mukha ko sa cellphone at binasa ang mga nakalagay do'n na listahan daw ng mahahanapan ng comfort. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko na listahan lang 'yon ng mga pagkain. Kung sabagay naman, what more can give you comfort than food?

"Hindi ako naniniwala sa lahat ng nilista niya kasi pakiramdam ko nagugutom lang siya. She's on a hunger strike because she refuse on eating Craige's food. But I think we can buy some things on the list right?"

"Lactose intolerant ako."

Napanganga siya sa sinabi ko dahilan para hindi ko mapigilan ang tawa na kumawala mula sa akin. He looks so dumbfounded. Nilagpasan ko na lang siya at tatawa-tawa parin na pumasok na ako sa loob ng Dakasi.

Dumiretso ako sa counter at tumingin sa menu sa harapan ko. Mukhang masarap lahat. Kung hindi ko lang alam kung gaano ako magdudusa kapag uminom ako ng bawal sakin baka ginawa ko na.

"May almond milk kayo?" tanong ko sa lalaking empleyado sa harapan ko.

"Ay ma'am cherry flavor lang po ang meron."

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon