Chapter 28: Fear

46.7K 1.4K 85
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

Pabalabag na binuksan ko ang pintuan ng control room at tuloy-tuloy na pumasok ako sa loob. Gaya ng inaasahan ay nandoon si Freezale na parang walang pakielam sa mundo na dahan-dahan pa sa pag-ikot ng kinauupuan niyang swivel chair para humarap sa akin.

Since she's in the control room almost 24/7, half of that obviously she spend with her family, there's no doubt na nakita niya akong parang toro na naglakad mula sa villa ni Archer papunta rito sa headquarters.

"Two weeks." I said between my gritted teeth.

There's no confusion on her face. Just blatant interest. "Pardon?"

"Two weeks na mas lalong naging weird si Archer! Magkasama kami sa gabi hanggang ten o'clock ng umaga. Tapos tutuloy na siya sa practice niya na pinupuntahan ko minsan. Hanggang alas-kwatro siya ro'n. Then he'll make whatever excuse he can para umalis ng BHO CAMP tapos babalik siya ng 11 o'clock ng gabi! Pag kasama ko siya pakiramdam ko hindi niya naririnig ang sinasabi ko. It's like he's suddenly so busy na wala na siyang oras."

Nagsimula iyon nang makipagkita kami sa ibang mga agent sa Paige's. We were having fun. After the scene with that Sheridan person parang imposible iyon but we actually did. Hanggang sa bigla na lang parang nag-iba siya.

Nakangiting nakahilig ako sa balikat ni Archer habang patuloy na nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang mga kasamahan namin. Hindi ko alam kung gaano na karami ang nainom ko pero ang sigurado ako na lagpas na iyons a normally ay iniinom ko.

Hindi naman kasi ako sobrang lakas uminom. Pero kung ihahambing sa kakambal ko na si Fiere di hamak na mas mataas ang alcohol tolerance ko. Right now though I can feel the alcohol swirling in my system.

"Minsan nakakatakot din talaga 'tong si Aiere no?" nangingiting sabi ng pinsan ko na si Thunder. "Siguradong hindi na magpapakita sa'yo si Sheridan."

"Hindi naman talaga dapat." sabi ni Nyx. "Kapag nakaraan na nakaraan na. Iyong ibang babae kasi hindi maintindihan 'yon."

"May sitwasyon kasi na may pagkakataon pa para hindi maging nakaraan ang nakaraan." singit ni Erebus na kanina ay nananahimik lang. "She just took her chance."

"I beg to differ. Obvious na obvious ng walang chance. 'Wag mo ngang kinakampihan ang babaeng 'yon."

"Hindi ko kinakampihan. Pinapakita ko lang ang side niya."

"Bakit close kayo para masigurado mo 'yan? Masakit man pakinggan na manggaling mula sa isang babae rin pero may babae talaga na gusto lang ang mga bagay na hindi naman sa kanila in the first place."

Nagkatinginan kami ni Archer. Bahagyang pinanlakihan ko siya ng mga mata at nginuso ang kinauupun ng dalawang nagtatalo. Nangingiting hinila niya ako at niyakap para maitago ang ekspresyon ko sa dibdib niya.

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon