Chapter 12: Ride

52K 1.6K 93
                                    

AIERE'S POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AIERE'S POV

"Holy sheezums."

Those words came out of my lips in a breath of surprise as if I'm about to choke. Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko sa hawak kong file. Hindi ko alam kung maagbabago ang isip ko sa 'road to maturity' ko o papalahaw na lang ako ng iyak dahil hindi ko alam kung paano ko malalagpasan ito.

Parang gusto kong puntahan si Dawn sa office niya at itanong kung anong definition niya ng hindi extreme dahil 'yon ang deskripsyon niya sa mission na ito. Dahil sa nakikita ko, papatak na ito sa kategoryan 'yon. No wonder walang available na agent para dito. Hindi lang dahil sa marami din silang ginagawa kundi sadiyang walang available na kayang tawirin 'to.

"Ikaw dapat ang gagawa nito?" tanong ko sa kasama kong si April. Nandito kami sa isang kwarto sa training area kung saan tanaw namin mula sa loob ang mga agent na nag te-training sa labas.

"Yes. I was supposed to be on stage and Phoenix would be on the grounds to survey the area. Ang problema, iyon nga kailangan si Phoenix ni Snow at noong isang araw naman, nagkaroon ako ng injury sa mission na kinuha ko." paliwanag ng babae at itinuro pa ang naka-cast niyang binti.

April would be the eyes as well as Freezale dahil hindi magagawang makasama sa akin ng babae dahil nga sa nangyari sa kaniya. Iyon nga lang ang problema puro lalaki na lang ang mga junior agent na pwedeng makasama sa akin. Now instead of being on the grounds, I will be the one to take the stage.

"Marunong akong sumayaw pero hindi ganitong klaseng sayaw." Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustration. We agents do believe about the sa saying 'Fake it until you make it' but not on this kind of mision.

"Yon nga din ang sinabi ko kay Dawn. I suggested to find a professional for this but of course that's not possible for us."

Alam ko kung anong tinutukoy niya. Bukod sa kinakailangan naming itago ang identidad ng BHO CAMP ay malaki din ang posibilidad na malagay sa kapahamakan ang kung sino man ang kukunin namin kung sakali para dito. That's out of the question.

Napairit ako sa inis at sumalampak ng higa sa semento habang sumisipa pa sa ere. Hindi ko ma-imagine kung paano ko gagawin 'to. Hindi ko rin alam kung saan ko huhugutin ang lakas ng loob para magampanan 'to...lalo na sa harap ng maraming tao.

"Amelia from the academy will be here in a few moments to teach you."

Ang tinutukoy niya ay ang isa sa mga trainees ng BHO CAMP. Sa pagkakatanda ko isa si Amelia sa pinakabago. It's too early for her to have her first mission. Una, hindi magiging patas apra sa mga mas naunang trainee. Pangalawa, hindi pinapayagan ni Dawn na sumalang sa field ang mga trainee hanggang hindi pa naipapasa lahat ng mga training nila. "Kahit nga ang mga sanay na sa bagay na 'to nahihirapan pa. Paano pa ako? I doubt I can finish a routine. I'll probably just bash my head somewhere and die."

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now