Chapter 22: Stitch

49.7K 1.8K 218
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

A/N: This is my last update for this week and next week. Updates will resumed next next week since magiging busy ako sa death anniversary ng mami ko. Have a nice Valentines everyone :)

AIERE'S POV

Ilang mga agent na dumadaan sa harapan ko ang napapatingin sa akin pero kahit isa ay walang huminto sa kanila para lapitan ako at kausapin. Hindi ko sila masisisi. Kahit ako siguro hindi ko gugustuhing lapitan ang isang taong binabalot ng negative vibes ang buong pagkatao. That's what exactly I look like right now.

It's been two weeks since the fan meet. Tatlong location pa ang pinuntahan ng Royalty pero hindi na ako kasama dahil iyon ang bagay na hiniling ni Archer kay Dawn. Hindi na nagawang makatanggi ng babae dahil wala namang kahit na sino ang hindi nakapansin sa tensyon sa pagitan namin ng binata.

I asked Dawn to not let him remove me from the agents that will tour with the band. Iyon nga lang ay wala na rin akong nagawa ng kahit si Thunder ay sinabihan na ako na 'wag na munang sumama. Dawn even said that I could just focus on the mission now that I have more information than before.

Pero sino bang niloloko namin? Kahit anong gawin kong pagtatrabaho ay hindi naaalis ang isipan ko sa katotohanan na iniiwasan ako ni Archer.

Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko at maging ang mga message ko sa kaniya. I tried messaging him on social media lalo na kapag nakikita kong online siya pero hindi niya ako sinasagot. They call it inbox-zone nowadays.

I know this too well. Ilang beses na bang nangyari 'to sa akin? Even with Matteo, this happened too. They started pulling away, act cold towards me, and then they'll eventually let me go.

Ang tanging pagkakaiba lang ay alam ko na hindi kasimbabaw lang ng mga dating dahilan ng mga ex ko ang rason ni Archer. He's doing this because he wants me to stay away. Hindi niya gustong madamay pa ako sa kung anong nangyayari sa kaniya. Which is worse than anything. The fact that I know I could do something for him and he don't want me to.

"Pasko na Pasko mukhang Halloween yang mukha mo."

Nag-angat ako ng tingin sa nag-iisang tao na naglakas loob na lapitan ako at hindi man lang natakot na bugahan ko siya ng apoy. "Ikaw naman mukhang pang Araw ng mga Puso."

He shrugged his shoulders while smiling. Mukhang aminado na kita sa mga mata niya ng mga puso na hindi niya maitago kahit anong gawin niya. Umupo siya sa tabi ko at ginaya ang pwesto ko; nakatukod ang siko sa lamesa habang ang mukha ay nakapatong sa kamay. "Anong problema ng bunso namin?"

I rolled my eyes at my brother. Bunso talaga eh ilang minuto lang naman ang pagitan namin ng ipinanganak kami. "Wala."

"Right. Kaya pala lahat ata ng napatingin sa'yo sa araw na 'to ay paniguradong babangungutin pag-uwi. You're like the cute version of the Grinch."

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now