Chapter 19: Fly

52.6K 1.7K 146
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

AIERE'S POV

Napapitlag ako sa lakas ng galabog na nilikha nang pagkabasag ng baso na kanina ay hawak ni Thunder. Walang kahit na sino ang umimik sa amin pero palihim kaming nagkakatinginan ng mga agent na ngayon ay nandito sa conference room. Maging si Dawn na normally ay may sinasabi sa ganitong pagkakataon ay nananatiling nakatuon ang mga mata sa panig ng kwarto kung saan nandoon ang Royalty members.

The leader of the band, Lucas Darryl King looks like he wants to break something too. Pero imbis na gawin 'yon ay nanatiling nakahawak ang kamay niya sa asawa niyang si Freezale habang tiim ang bagang na nakatingin kay Archer na tahimik lang na nasa tabi ko.

"What were you thinking, Arch?" Thunder asked, his voice laced with the anger in his eyes.

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang binata at saglit na hindi nagsalita. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya at sinuklay ang kamay niya sa sariling buhok. "It was nothing."

Bakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha ni Thunder sa sinabi ni Archer. "Nothing?"

"K-Kuya? Hindi ba nagkataon lang?" Galing ang tanong na iyon kay Harmony na kita ang takot sa mukha. "He must be after kuya Archer's money. May sinabi na ba 'yung lalaki?"

"Sa dami ng tao sa lugar na 'yon si Archer ang nanakawan niya? And let's say that's possible. Pa'no ipapaliwanag ang sunog sa penthouse ni Archer no'ng nakaraan lang?"

Hindi magawang makasagot ng babae sa binato sa kaniya ni Thunder na tanong. Dahil alam kong walang tao sa loob ng kwartong ito ang mapapaniwala na coincidence lang lahat. We're all living in a world that coincidence almost don't happen.

My eyes landed on Dawn and I saw her looking at me. Kami pa lang ang nakakaalam ng totoo. At alam ko na hindi namin pwedeng itago ang bagay na 'to ng matagal. The only reason that we kept this a secret is because we don't have that much information before. Pero ngayon ay sigurado na kami na hindi lang basta pagbabanta ang nangyayari. Someone really wants to harm Archer.

Tinitigan ko ang babae at bahagya akong tumango. Palihim na tinuro ko ang sarili ko at umiling. Alam kong kahit hindi ako magsalita ay naiintindihan niya ang gusto kong sabihin.

"Archer, I think it's time that you tell everyone what's happening." Dawn murmured but enough to be heard by everyone.

"Alam mo ang tungkol dito?" tanong ni Thunder.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. I just know enough." Nang makita ni Dawn na hindi kuntento ang lalaki sa sinabi niya ay nagpatuloy siya. "When we decided to tighten the security, one of the things I focused on is making sure that whatever comes inside the place will be given a proper background check. Kasama ro'n ang band members. When we started searching, we found out that Archer's been receiving threats. And to be honest, hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito sa kahit na sino. Even Triton received some when he was still in the industry."

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon