Chapter 30: Moonlight

66.7K 1.7K 141
                                    

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP7TM #HugotNiAiere #AieCher #BHOCAMP

A/N: Thank you sa aking mga ates; Romalyn and Rachele na hinahayaan akong ikuwento sa kanila ang libro na ito at mga naiisip ko kaya usually sila ang unang nakakaalam ng mga detalye para sa The Moonlight (katulad ng kanta para sa father and daughter dance). Kay ate Rachele ko nakuha iyong idea ng moon hair clip btw. Thanks ate!

And guuuys~ Don't worry sa honeymoon =)) may Epilogue pa :*


AIERE'S POV

"Ayoko na!"

Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa buong kwarto na tinutuluyan ko. Mabuti na lang talaga at mag ga-gabi pa lang kaya wala ng masyadong maiistorbo dahil sigurado ako na rinig ang boses niya hanggang labas. Napapangising napailing na lang ako. Sore loser.

"Talo ka lang eh." natatawang sabi ko.

Sinimangutan ako ni Hera na nakaupo sa kaliwa ng kama at itinapon ang chips niya sa gitna. Talo na naman kasi. Sa harap niya ay naroon si Chalamity na nangingiti rin habang si Athena ay nakaupo kasalungan ng kinapupuwestuhan ko dahil siya ang dealer sa nilalaro namin. Lahat sila suot na ang mauve bridesmaid dress nila habang kay Hera ay kulay dark plum.

Ako naman ay nakaupo sa vanity chair dahil kasalukuyang inaayos ng hair stylist ko ang buhok ko. Pilit ko kasing kinakalimutan ang magaganap sa araw na ito. Mas lalo lang kasi akong nenerbyusin kaya inililigaw ko ang utak ko. Kaya nga naaya ko ang mga kasama ko ngayon na maglaro ng Baccarat. Meron kasing portable board game si mama no'n kaya hiniram ko muna. It's a temporary destraction for "The Day".

"Bakit ba ang galing mo dito? Tambay ka ba sa casino?" nakangusong tanong ni Hera nang magsimula na naman si Athena na mag deal.

Kanina confident na confident siya dahil daw may strategy daw sa laro at kailangan lang daw pag-aralan ang odds. Pero hindi kasi kayang i-proseso iyon ngayon ng utak ko kaya nanghuhula lang ako. After all, all I need is to bet whether on the player or the banker. Game of luck pa rin talaga.

"Hindi. Ngayon ko nga lang nalaro 'to eh. Si Mama ang mahilig dito." sabi ko.

"Nagtaka ka pa." natatawang sabi ni Athena. "Malamang may lahing swerte 'yan si Aiere. Tirador ng pustahan ang nanay niyan eh. Bihirang bihira matalo 'yon."

"Eh bakit 'tong si Chalamity laging nanalo 'rin?" tanong ulit ni Hera.

Ngumisi si Chalamity. "Una, pamilyar ako sa laro dahil mahilig sa sugal ang nanay ko. Pastime niya 'yon. Pangalawa, ginagaya ko lang si Aiere. Kung anong tinatayaan niya iyon din ang tinatayaan ko."

Napabunghalit kami ng tawang lahat habang si Hera ay lalong nalukot ang mukha. Hindi niya kasi nahahalata na kanina pa namin siya pinagtutulungan. "Ang duga niyo! Wala na akong chips!"

"Okay lang 'yan. Iba na lang ipusta mo." sabi ko.

"Bagong bili ang kotse ko. Ayoko nga."

Umangat ang kamay ko para ikamot iyon sa ulo ko pero naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa kamay ko. Bahagyang nilingon ko ang employee ni Tita Chrissy, ang nanay-tatay ni Rushmore, at pagkatapos ay nag peace sign ako. Natatagalan na siya sa ginagawa niya kasi hindi ako makali. Gano'n din ang ama slash ina ni Rushmore na binabae at siyang make-up artist ko na "nakulot" na raw ang buhok sa akin dahil sa sobrang hirap kong ayusan. Pero gano'n pa man alam ko na hindi ko kailangan mangamba sa kinalabasan niyon.

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon