Chapter 17: Breathe

52.4K 1.4K 82
                                    

A/N: Wag niyo na po akong tanungin kung kailan ang update ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Wag niyo na po akong tanungin kung kailan ang update ko. Basta at least once a week or more depends on my availability. Thanks!

Use the hashtag #BHOCAMP7TM, #BHOCAMP or #HugotNiAiere on twitter so we can retweet your posts <3


AIERE'S POV

Hindi na ako magtataka kung pati ang kabilang bayan ay maririnig ang pagdagundong ng dibdib ko dahil sa sinabi ni Archer. Sari-saring senaryo ang pumasok sa isip ko na naging dahilan ng bigla na lang pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

I mean...I asked for this right? Kahit nga ng magkasakit ako ay hindi na naalis sa utak ko ang mga bagay na gusto kong mangyari. Kaya nga kahit nakakahiyang aminin ay daig ko pa ang manyak na namantala ng walang kamalay-malay na tao.

Iyon nga lang para kasing hindi ganito ang na-i-imagine kong mangyari. This is too scheduled, like a task to be checked out from a list. What I want is something natural. Iyon bang tipo na napapanood ko sa mga pelikula kung saan unti-unting binubuo ang tensyon sa pagitan ng dalawang bida. Iyong magtititigan tapos dahan-dahang maglalapit ang mga mukha...then a kiss would happen that would lead to the touching of skin.

"A-Archer...saan tayo pupunta?" nag-aalangang tanong ko nang mapansin ko na hindi papunta sa villa niya o sa headquarters man lang ang daan na tinatahak namin. Imbis na pumunta kami do'n ay sa harap kami ng BHO CAMP patungo.

"Aaliwin nga kita."

"Pwede naman na dito na lang."

Nagbaba siya ng tingin sa akin at ngumisi. "Come on, where's your sense of adventure? Mas masaya kung sa ibang lugar tayo pupunta."

Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako kung saan habang pakiramdam ko ay tuluyan ng nagblangko ang utak ko sa sobrang kaba. I don't know what's wrong with me. I know I want this but I can't stop the chill running through my body as if any moment it would strike and freeze me.

Naiintindihan ko naman siya kung ayaw niyang gawin ang...mag...iyon dito sa BHO CAMP. Masyado kaming maraming kakilala rito kaya paniguradong issue kapag may nakaalam sa mga bagay na magaganap.

Napapitlag ako nang maramdaman kong tumama ang katawan ko kay Archer nang bigla siyang huminto. Nag-angat ako ng tingin at sa kaniya at pagkatapos ay sumilip ako mula sa likod niya para makita ang sasakyan na nasa harapan namin. It's an Hummer H2.

"Sayo 'yan?" tanong ko.

"Hindi. Pinahiram lang sakin ni Thunder dahil nasa maintenance ang kotse ko."

"Marami namang sasakyan si kuya ah. Bakit 'yan ang hiniram mo eh ang laki masyado niyan?"

"Okay na 'yan. Iyan lang kasi ang gusto niyang ipahiram." sabi niya at sa pagkabila ko ay biglang kumindat. "Mas maganda nga kapag malaki eh."

Pakiramdam ko ay matatanggal ang talukap ng mga mata ko nang sunod-sunod akong napakurap sa sinabi niya. Hindi naitago sa akin ang innuendo nang sinabi niya. I was talking about a prince albert and a bratwurst awhile ago for heaven's sake!

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon