08

1.1K 55 0
                                    

Ariane

"Eonnieeeee!" Sabi ko sabay takbo papunta kay ate tas niyakap siya

"Di mo ako namiss 'no?"

"Hindi naman hehehehe."

Binati ng mga kaibigan ko si Ate, ganon din Wanna One. Nag-aasaran pa nga sina Ong at Jaehwan, mukhang crush talaga nila ate ko.

Buti nalang hindi nagagalit mga girlfriend nila, naggagalit-galitan pero hindi naman seryoso.

"Osige na, nahiya ka pa eh. Lapitan mo na." Narinig kong bulong ni Maggie kay Ong

"Galit ka eh."

"Tanga hindi. Alam ko namang ultimate crush mo si Sujin-eonnie kaya sige na. Kunyari nalang di ako nakatingin." Sabi ni Maggie sabay lakad palayo, tumabi muna siya kela Dana

Binati naman ni Ong si ate ko.

"Hoy, bumalik ka do'n kay Maggie. Abusado ka ah." Sabi ni Sungwoon kay Ong, kakamot-kamot na bumalik si Ong kay Maggie

"Eonnie, sila Mommy nasa'n?"

"Ay nako, umalis. Alam mo naman magulang natin, hindi mapirmi sa bahay. Kaya solo nating lahat yung bahay ngayon."

"Yes! Pwede uminom?" Tanong ko

"Ikaw? Iinom?" Tanong niya

"Hehe hindi ako. Sila."

"Osige. Kung gusto mong itry, sige lang. Matanda ka naman na."

"Ops ano yung narinig ko noona? Si Ariane? Magttry uminom? Di pwede." Sabi ni Kuya sa'kin

"Hindi naman ako iinom! Pwe." Sabi ko sabay irap sa kanya.

Pumasok na kami sa bahay. Yung mga girls, magsstay sa kwarto ko, yung mga boys naman sa kwarto ni Kuya.

—-

Busy akong naghahanap ng pagkain sa ref nang may makita na naman akong jellies

"Ano hinahanap mo diyan?" Tanong ni Ate.

"Eonnie, kanino 'tong jellies?"

"Sa'kin. Gusto mo ba?"

Hmmm

"Pwede ba?"

"Oo. Marami pa 'yan, bumili ako 15 packs niyan. Nasa paper bag pa yung iba." Sabi niya

"Hehe thank you, eonnie." Sabi ko at umalis na sa kusina

Hinahanap ko siya sa buong bahay, pero sa may garden ko lang pala siya makikita.

"Oh ayan." Sabi ko kay Danik sabay abot ng isang pack ng jellies

"Ano 'to?"

"Jellies duhh."

"Alam kong jellies 'to pero para saan?"

"Pambawi. Kinain ko kasi yung jellies mo nung nakaraan. Sige na alis na ako." Sabi ko sabay alis

Hmp! Kapag galit pa sa'kin 'yang si Danik mamaya ewan ko nalang talaga

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon