30

824 45 8
                                    

Ariane

Andito ako sa rooftop ng dorm ng Wanna One.

Paano ako nakapasok?

Hehe sorry kuya, kinuha ko muna spare key mo.

"Problema mo?" Narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako.

"Sungit mo talaga pagdating sa akin 'no?" Sabi ko, inirapan niya lang ako.

"Lika, inom tayo." Sabi ko. Napatingin siya sa'kin habang nanlalaki mata pero kalaunan kumunot naman noo niya

"Umiinom ka ba?"

"Oo naman." Kahit hindi

"'Wag na, yari ako sa kuya mo." Sabi niya

"Hindi niya naman malalaman."

"Bakit bigla bigla kang nag-aaya ng inuman diyan?"

"Upo ka muna." Sabi ko, sumunod naman siya.

"Alam kong bawal sa'yo 'to pero binili pa rin kita kasi alam kong fave mo 'to, peace offering na rin sa kung ano mang atraso ko sa'yo. Ayoko na ng kagalit, ayoko ng may taong may galit sa'kin." Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang malaking pack ng jellies. "Tsaka nabo-bother kasi ako. Ayokong manghimasok sa past mo pero simula nung nakita kita sa rooftop ng bahay namin sa Busan, feeling ko naging obligasyon na kita, I mean, gusto ko maging okay ka na. Parang task ko para pasayahin ka or what."

"Lalim mo mag-isip e'no?"

"Masama ba maging concern?"

"Hindi ba awkward sa'yo?"

"Alin?"

"Tayong dalawa laging inaasar, kesyo tayong dalawa nalang natira sa magkakaibigan na walang lovelife."

"Hindi naman awkward sa'kin. Sa'yo ba?"

"Hindi rin naman kaso ayoko kasing umasa sila na ganon yung mangyayari. 'Yun din yung isa sa rason kung bakit lagi kitang inaaway."

"Ha?"

"I'm not an immature person, Ariane. Sa'yo lang naman ako nagiging immature."

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon