38

806 40 0
                                    

Ariane

Nandito na ako sa tinurong bahay ni Jaemi.

Malaki yung bahay pero hindi naman gano'n kalaki, pero kung para sa kanilang dalawa ng anak niya, malaki na 'to.

Nacurious tuloy ako kung sino tatay nung anak ni Jaemi.

Aish Ariane, nagiging tsismosa ka na netong mga nagdaang linggo.

Nagdoorbell ako at agad namang binuksan ni Jaemi, buhat-buhat niya yung anak niya.

Geez ang cute!

"Hi Ariane. This is Sungjin, anak ko. 1 year old na siya." Sabi niya. Nag-hi ako kay Sungjin, tumawa naman siya at sumama sa'kin.

"Nako, nagustuhan ka agad ni Sungjin. Himala." Natatawang sabi ni Jaemi pagkabuhat ko kay Sungjin. "Masungit 'yang batang 'yan, kaya nakakapanibago na nagustuhan ka niya agad." Sabi niya

Pumasok na kami sa bahay niya. Pinatulog muna namin si Sungjin bago gumawa ng project. Hinati namin ni Jaemi yung gagawin, pero dalawang oras lang ay natapos agad ni Jaemi yung kanya samantalang ako, kalahati palang.

Nahihirapan ako kaya tinulungan niya na ako. Mas lalo akong humanga kay Jaemi. Kaya pala inlove na inlove sa kanya si Danik.

"Ayan! Tapos na tayo!" Sabi niya.

"Salamat talaga, Jaemi."

"Sus wala yon. Tsaka namiss ko rin kasi talaga mag-aral, since dalawang taon akong huminto sa pag-aaral."

Eto na yata chance ko.

Gusto ko mapag-ayos si Danik at Jaemi, ayoko kasing nakikitang gano'n ka-miserable si Danik.

"Jaemi, pwede ba ako magtanong? Pero kung ayaw mo sagutin okay lang naman."

"Okay.. is it about Danik?"

"Oo sana."

"Go on."

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon