40 | daniel

910 40 0
                                    

Daniel

Pinapunta ako ni Ariane sa isang bahay, sinabi niya yung address tapos yung direction papunta dito.

"Lakas ng loob magpasundo." Seryosong sabi ko pero pabiro naman 'yon.

"Pumunta ka naman." Sabi niya sabay ngisi kaya inirapan ko siya

"Sino ba taga-dito? Bakit ka andito?" Tanong ko habang sinisilip yung loob ng bahay. Nasa gate lang kasi kami.

Ngumiti lang siya, "I want you to be happy. You know that." Sabi niya, napakunot lang noo ko.

Nagulat nalang ako nang lumabas si Jaemi.

"Hi Daniel."

"Jaemi?"

"Iwan ko muna kayo. Bantayan ko muna si Sungjin." Sabi ni Ariane sabay pasok sa loob.

"Ariane requested this and I thought na baka kailangan din nating dalawa 'to kaya pumayag na ako. Pero na sa'yo pa rin, if you want to have a closure o okay ka na?"

"Of course gusto kong magka-closure tayo."

She smiled, "Lika pasok ka." Sabi niya. Pumasok kami sa loob at dito kami sa front yard niya umupo, may space pa kasi sa harap ng bahay niya tapos may mini garden tas mga bench. Pumasok siya sa loob saglit tapos pagbalik niya, may dala na siyang juice tsaka...

"Jellies?"

She chuckled, "Marami akong stock sa loob, alam mo naman, mas adik ako sa jellies kesa sa'yo." Sabi niya, natawa nalang ako.

Umupo siya sa tabi ko tapos huminga ng malalim.

"I know it's too late pero gusto ko sabihin sa'yo yung totoo." Sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kanya

"I never cheated on you, hindi ko ginustong mangyari 'yon. That day gumawa kami ng project sa bahay ni Carl kasi naging magkapartner kami. I was so dumb that time believing Carl na nagbago na siya at ayaw niya na tayong guluhin kaya pumayag din ako, plus the fact na mas kumpleto siya ng materials kesa sa'kin. Pagkarating do'n, nakipagkwentuhan muna siya, siguro kinuha muna niya loob ko, ako naman 'tong si tanga, nahulog sa patibong niya. Then he gave me a glass of juice na may halo palang pampatulog. Then he raped me." Sabi niya.

Nanlumo ako sa huling narinig ko, my dear Jaemi. Gusto kong magalit, gusto kong magwala pero mas nangingibabaw yung awa ko para sa kanya kaya tsaka ko nalang iintindihin yung galit ko.

"But it's okay. I never told this to anyone but Carl is in jail. Dalawang taon na siyang nakakulong, after nung incident kahit sobrang natatakot ako agad kong sinabi sa parents ko at inaksyunan naman nila agad, then ayon, there was enough evidence para mapakulong si Carl. Then about sa sustento, nagbibigay naman siya, more like yung parents niya ang nagbibigay. Ayaw nilang itolerate yung kagaguhan ng anak nila kaya hinayaan nilang nakakulong si Carl."

"Sobrang gago niya."

She chuckled, "Sinabi mo pa. Pero hayaan na natin, napatawad ko naman na siya. Tsaka andiyan naman si Sungjin, siya yung reason kung bakit nagpatuloy ako. Mahal na mahal ko talaga yung anak ko." Sabi niya

"I'm sorry, Jaemi."

"Why are you saying sorry?"

"For leaving you. Hindi ko man lang inalam yung totoong nangyari."

"It's okay. Ginusto ko rin namang makipaghiwalay sa'yo kasi hindi na tayo pwede. Hindi pwedeng akuin mo yung pagiging ama para kay Sungjin. Marami kang pangarap Danik, alam ko 'yon. Ayokong masira yung future mo kasi inako mo yung pagiging ama kay Sungjin. Masaya na akong nakikita kang pinu-pursue mo yung dreams mo."

"Do you still love me Jaemi?"

"I still do, pero mas nangingibabaw yung pagmamahal ko para sa anak ko."

"Ayaw mo na talaga?"

"Kahit na gusto ko Daniel, hindi na talaga pwede. Ayoko talagang masira future mo nang dahil lang sa'kin."

I sighed, "Okay. If that's what you want."

"Thank you, Daniel."

"No. Thank you, thank you for thinking about my sake. Sobrang selfless mong tao, Jaemi. I hope one day makita mo yung lalaking tatanggap sa'yo. Pwede naman kasing ako 'yon, ayaw mo lang."

She laughed, "Pwede rin naman? Joke."

Natawa kami parehas.

"I wish for your happiness, Danik."

"Me too. I wish for your happiness and alam kong magiging successful ka. Andito lang ako lagi for you, Jaemi. As a friend, andito ako lagi para sa'yo."

She smiled then hugged me, "Thank you for everything."

"Ako dapat 'tong nagpapasalamat sa'yo."

"Aish. Enough with the drama na nga, naiiyak ako eh." Sabi niya pagkahiwalay namin sa yakap.

Sobra akong nakahinga ng maluwag.

"We're okay na?" I asked

"Oo naman. Friends?" Sabi niya sabay abot ng kamay niya para makipag-shake hands

"Friends." Sabi ko pagkatanggap sa kamay niya

"Pwede ko ba makita si Sungjin?" I asked

"Oo naman."

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon