49

917 37 41
                                    

Ariane

Did you ever looked at someone and said, Sana akin nalang siya, sana ako nalang mahal niya, sana kami nalang kasi ako? Oo.

Hindi ko napansin pero matagal na pala akong may gusto kay Daniel. Ang tanga ko para hindi marealize yon agad pero kahit marealize ko naman agad wala pa rin eh.

Iba pa rin naman mahal niya.

"Ariaaaaaane! Dali na!" Pagmamaktol nitong kasama ko

"Ano ba 'yon, Danik?"

"Kain tayo bingsu." Sabi niya. Natawa ako.

"Hindi nga pwede sweets sa'yo, kulit naman."

"Magagalit ako sa'yo." Pagmamaktol niya

"Napaka-immature mo."

"Hindi immature, childish."

"Ay edi inamin mo rin?"

"Hmp."

"Last na 'to danik ah."

Napangiti siya bigla, "Yehey! Oo last na."

"Okay let's go." Sabi ko. Nagpatiuna siyang maglakad pero nung napansin niyang masyado nang malayo yung distansya naming dalawa ay bumalik siya sa pwesto ko at hinawakan yung kamay ko

"Bagal naman."

Pagkatapos naming kumain ng Bingsu House ay nagikot-ikot pa kami ng mall.

Siya nag-ayang lumabas kami ngayon. Hindi ko alam kung ano nakain niya para manlibre pero sumama na rin ako

Hello? Libreng tsansing kay Crushie!

Joke!

Pero jokes are half meant.

Joke ulit!

"Ariane, hindi ka ba nappressure?"

"Kasi?"

"Ikaw nalang walang boyfriend."

Nappressure siyempre. Kaya please patulan mo na ako, binebenta ko na sarili ko sa'yo.

"Hindi naman. Ikaw ba?"

"Andiyan pa naman si Baejin tsaka Jisung-hyung kaya bakit ako mappressure?" Natatawang sabi niya

"Andiyan din naman si Rina na wala ring boyfriend."

"Ay oo nga 'no? Break na pala si Kevin at Rina?"

"Bago pa umuwi ng Korea si Rina, break na sila eh."

"Sana magkabalikan nalang sila ni Baejin." Sabi niya kaya nahampas ko siya

"Shh wag ganyan. Hayaan natin sila." Sabi ko

"Wushu. Gusto mo rin namang magkabalikan sila."

"Sino bang hindi?"

"Kitams."

Buong araw yata lovelife ng mga kaibigan namin naging topic namin.

Hindi naman sa nappressure ako, pero parang gano'n na nga.

Danik, ako nalang please.

**
note: d-1 :(((

HINDI NAMAN SA MAKULIT AKO PERO PARANG GANON NA NGA HAHAHAHAHA

AGAIN! MAY DALAWANG SPECIAL CHAPTERS 'TONG IMMATURE KAYA WAG NIYO MUNA IREMOVE SA LIBRARY NIYO OR IARCHIVE. BALAKAYO, YOU WILL MISS THE BEST PART OF THIS BOOK KAPAG DI NIYO INANTAY 😋

di naman sa pa-vip ako 'no pero pa-vip talaga ako, chos!!! sayang kasi kung di niyo mababasa. sinulat ko 'yon para talaga sainyong lahat tas di niyo mababasa kaya sayang naman diba :((

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon