32 | daniel

856 40 8
                                    

Daniel

Palihim kaming lumabas ni Ariane sa dorm. Pinauna ko siya sa lobby kasi nagpaalam ako kela Jisung hyung na may bibilhin lang saglit para magamit ko yung kotse tsaka para may rason ako para lumabas, ihahatid ko kasi si Ariane. Sobrang unmanly naman kung hahayaan ko siyang umuwi mag-isa diba?

"Saan kita ihahatid?" Tanong ko.

"Kela Gabby nalang, makikitulog nalang ako sa kanila." Sabi niya. "Baka kasi makita ako ng kapitbahay na uuwi ng gan'tong oras tas may naghatid pa sa'kin, mga tsismosa pa man din 'yon, baka makarating kay Sujin-eonnie, o kaya kay Kuya, yari ako."

"Okay." Sabi ko at nagdrive na.

"Uhm Danik?" Biglang tanong niya nung natahimik kaming dalawa

"Bakit?"

"Pwede ko ba malaman kung sino naging ex mo?"

Napatigil ako, hindi talaga titigil ang isang 'to 'no?

"Her name is Chung Jaemi. Familiar ka?"

"Medyo."

"She was my first love, 4 years din tinagal namin kaso one day nalaman ko nalang na buntis siya. Alam ko na agad na hindi sa'kin 'yon, wala namang nangyari sa'min eh. Ewan ko, hanggang ngayon hina-hunting pa rin ako nung mga oras na 'yon. Paulit-ulit na nagpplay sa utak ko kung paano niya sinabi. 2 years na nakakaraan pero ganon pa rin, wala pa ring pagbabago." Sabi ko

Nararamdaman kong nakatitig lang si Ariane sa'kin habang nagddrive ako.

"You love her that much?" Tanong niya, hindi ko ma-gets yung tanong niya kaya napalingon ako sa kanya saglit.

"What do you mean?"

"You love her that much, kaya hindi mo pa siya ma-let go?"

Napatigil ako sa tanong ni Ariane.

Mahal ko pa ba si Jaemi? O nabulag lang talaga ako sa thought ng closure kaya hindi pa ako maka-let go?

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon