33 | daniel

835 39 2
                                    

Daniel

flashback

"Daniel, I'm sorry." Sabi ni Jaemi habang umiiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa siya umiiyak at nagso-sorry

"Jaemi, bakit ka ba umiiyak? Tsaka bakit ka nagso-sorry?" Tanong ko

"Daniel... buntis ako." Sabi niya

Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung joke ba yung sinasabi niya o hindi.

"Daniel, I'm sorry." Sabi niya at mas lalong umiyak.

Hindi ko namalayang may luha na ring pumatak galing sa mata ko.

"Sino tatay?" Lakas loob na tanong ko, alam kong hindi ako ang tatay. Alam ko 'yon.

"Yung team captain ng basketball team."

"Pananagutan ka ba?"

Lalo siyang napahagulgol. "Ayaw niya."

I clenched my fists.

"Gusto ko sabihin sa'yo na may nangyari sa'min 2 months ago kaso di ako makahanap ng magandang pagkakataon, trust me daniel, balak ko talaga sabihin sa'yo. Kaso naunahan na ako ng balitang buntis ako bago ko pa sabihin sa'yo." Sabi niya.

"Bakit, Jaemi?"

"I'm so sorry. Alam kong wala nang magagawa yung sorry ko pero gusto ko pa rin sabihin. Kung gusto mo ako saktan, saktan mo ako. Okay lang, kung gusto mo akong pahiyain, gawin mo lang. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa'kin, tatanggapin ko Danik. Kahit kamuhian mo pa ako, deserve ko. Deserve ko danik eh."

"Ayoko. Alagaan mo nalang sarili mo para sa'kin, alagaan mo rin yung magiging anak mo." Sabi ko at umalis na. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko pero nakita ko nalang sarili kong pumasok ng basketball court ng university.

"Niel hyung." Tawag sa'kin ni Guanlin

"Guanlin, lumayo ka sa'kin." Sabi ko, baka si Guanlin pa mapaginitan ko at ayokong mangyari yon.

Nung makita ko yung team captain nila, dali-dali akong napasugod sa kanya ng suntok.

"Gago ka! Ang kapal ng mukha mo!"

"Daniel hyung!" Tawag ni Jihoon sa'kin habang pinipigilan ako.

"Siraulo ka! Ang kapal ng mukha mong ganunin si Jaemi?!"

Napangisi siya habang pinupunasan yung labi niyang dumugo na dahil sa suntok ko, "Ginusto niya rin 'yon, Kang." Sabi niya dahilan para lalong kumulo dugo ko at paulanan siya ng suntok

"Anong klaseng lalaki ka?! Man up! Nakabuntis ka, panagutan mo! Asshole!" Sabi ko

"Why would I? Nakakasigurado ba akong ako tatay no'n? Baka naman ikaw? O kaya baka yung kapitbahay nila."

Wala na akong naging pakialam sa mangyayari sa'kin at sa reputasyon ko. I punched his face as hard as I can and as many as I can. Wala akong pakialam kung punong puno na ng dugo mukha niya, wala na akong pakialam kung wala na siyang malay

"Kuya!" Narinig kong tawag ni Patsi sa'kin, dahilan para mapatigil ako.

I won't let my sister see me like this.

"Kuya tigil na, please stop." Sabi niya habang yakap yakap ako

"Sabihin niyo 'yang kaibigan niyo na magpakalalaki. Kapag hindi niya pinanagutan girlfriend ko, hindi lang 'yan mapapala niya." Sabi ko sa mga ibang varsity na ando'n at umalis na.

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon