Special Chapter

971 47 53
                                    

( a/n: long chapter ahead. sa mga naghahangad ng happy ending, this chapter is dedicated to you ;) HAHAHA enjoy! )

—-

After 2 years

Ariane

"ARIANE HWANG!"

Halos mapatalon ako nang may sumigaw sa labas ng bahay namin, sobrang lakas no'n kaya nagulat ako.

Inaantay ko nalang kasi si kuya tapos aalis na kami, graduation ko pala ngayon. Nakagraduate na yung mga kaibigan ko last year pa.

Sina Rina, Dana, Patricia, Maggie, Jenna, Gabby, Faye, Ayhessa at Lyka, pinupursue na ang pagiging doktor. Nagme-medicine proper na sila. Natapos na nila last year yung pre-med nila. Medtech kela Ayhessa, Gabby, Patricia, at Lyka. Nursing kela Maggie, at Faye. Psychology kay Rina at Jenna, tas BioChem naman si Dana.

Si Rina pala, since maaga niya natapos yung pre-med niya compare kela Dana nagstop muna siya ng one year para sumabay sa kanila ng Medicine Proper.

Sina Gabby, Patricia, Lyka at Faye, Pediatrician ang gusto. Si Ayhessa at Maggie naman, Ob-gynecologist. Si Dana naman, General Doctor. Si Rina, siyempre Psychiatrist. Si Jenna naman naiba, Veterinarian ang gusto HAHAHA mahilig talaga sa hayop.

Kami nalang talaga ni Joyce inaantay. Five years yung course namin since Civil Engineering kinuha namin.

At ngayon, graduation na namin.

Sa wakas!

Lumabas ako ng veranda para icheck kung sino yung sumisigaw.

"ANG TAGAL MO NAMAN LUMABAS!" Sigaw ni Ong habang naka-megaphone. Nakatayo sila sa likod ng Ranger na sasakyan ni Jisung. Oo kay Jisung, malakas na loob niya kasi may lisensya na siya HAHAHAHA

Kumpleto buong squad namin.

Wait, wala pala si Danik.

Asan kaya 'yon?

"Ariane, lika na." Biglang sabi ni kuya sa likod ko. Bumaba na kami at pumunta na ng University.

Naging normal lang naman yung graduation ceremony. Nakakatuwa nga si Woojin eh, sobrang supportive na boyfriend kay Joyce. Vinideohan ata buong graduation ceremony amp.

Ang cute ng mga kaibigan ko. Ako kaya? Kailan ako magkaka-lovelife? Hindi naman sa nagmamadali ako pero parang gano'n na nga.

Si Rina at Baejin? Hmmm

Nagkabalikan na sila last year pa. Totoo ngang love is sweeter the second time around. Parang hindi mapaghiwalay yung dalawang 'yon. Parang mga sira, naghiwalay pa magkakabalikan din naman pala. Nastress ako sa kanila ng slight, mga 99%

Pero si Danik, wala pa rin si Danik.

Dalawang taon na ang nakalipas pero di pa rin ako nakaka-move on sa immature na 'yon. Mas lalo ko yatang nagustuhan, nakakaloka.

After ng graduation, nagpicture kami kasama family ko. Kumpleto kami ngayon, parents ko tas si eonnie at kuya. Pagkatapos, kami namang patanga squad. Nagpicture din ako kasama si Kuya, tapos siyempre kasama yung bestfriend kong si Ong.

Nagulat ako nang biglang may tumawag sa'kin, paglingon ko,

"Jaemi!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Kasama niya naman si Sungjin na three years old na.

"Hi baby." Sabi ko sabay buhat kay Sungjin at kiniss yung cheeks niya. Pagkababa ko sa kanya, lumapit sa'kin si Jaemi

"Congrats Ariane." Sabi niya

"Congrats din sa'yo. I'm so proud of you." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Thank you, Ariane. Thank you for being such a great friend." Sabi niya

"Thank you rin."

"Oo nga pala, late si Danik 'no? Nag-ipon pa siguro ng lakas ng loob." Sabi niya sabay kindat.

"Bakit? Ano meron?"

"Mauuna na kami Ariane, magcecelebrate pa kami ni Sungjin." Sabi niya sabay ngisi.

"Huy ano meron?" Tanong ko pero ngisi lang natanggap kong sagot.

"Asan pala si Danik?" Tanong ko nung di ko na matiis. Biglang ngumiti ng nakakaloko mga kaibigan ko at nagsitawanan

As if on cue, biglang dumating si Danik habang may hawak na dalawang bouquet ng bulaklak. Binigay niya yung isa kay Joyce at sinabihan ng congrats tas napalingon siya sa'kin, ngumiti tas lumapit. Nag-asaran naman yung mga kaibigan namin.

Inabot niya sakin yung bouquet ng bulaklak, "Congrats Ariane."

"Thank you, Danik."

Hinawakan niya yung kamay ko, "Sorry if it took so long pero Ariane, I love you. Sorry nag-ipon pa ako ng lakas ng loob sabihin sa'yo 'to. Pwede pa ba, Ariane? May pag-asa pa ba tayo?"

Naiiyak akong ngumiti. Finally!

"Oo naman. My heart is open for you only, Danik. I can't imagine myself being in a relationship with other guys than you. Ewan ko ba, masyado ata kitang mahal eh." Sabi ko

"I'm so sorry, Ariane. Sorry ngayon ko lang narealize."

"It's okay."

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Ong na nagpatawa sa amin at nagpagalit kay kuya

"Hoy anong kasal?!" Angal agad ni kuya

"Kumalma ka nga! Mauuna ka pa kesa sa'kin!" Sabi ko

Nagtawanan naman sila.

"I love you."

Napalingon ako agad kay Daniel nang marinig kong sabihin niya 'yan.

Ganito pala feeling? Ganito pala feeling ng mga kaibigan ko kapag sinasabihan sila ng i love you ng mga boyfriend nila. Ganito pala feeling ng kiligin—yung kilig na okay lang kahit maging marupok ka kasi safe ka na, hindi ka aasa sa wala.

Ang sarap pala sa feeling.

"I love you, Ariane kahit napakasungit mo." He chuckled

"I love you more, Danik. Kahit napaka-immature mo."

**
note: PLEASE READ HEHE

ily all alam niyo yan. ayokong matapos 'tong series na 'to nang hindi kayo satisfied. nagbabasa ako ng comments niyo guys HAHAHA nababasa ko lahat ng comments niyo and somehow nararamdaman ko yung nararamdaman niyo through your comments kaya eto. hehe wish granted!!!

baka maging tatlo ang special chapter instead of 2. naalala kong magbbirthday nga pala si danik kaya may special chapter 3 pa hehe

and WARNING!!!!

ihanda niyo muna sarili niyo babies, ikondisyon niyo muna ganon. if strong ka na, then you may proceed to the last special chapter pero kung hindi pa, it's okay. take your time :)

last author's note ko na 'to para sa series na 'to. nung nakaraan pa ako thank you ng thank you pero feeling ko di pa sapat 'yon. grabe kayo 😭 sobrang nakaka-lift yung mga comments & messages niyo huhu. thank you talaga, kung hindi dahil sainyo hindi ako nakatapos ng isang series huhu and kung hindi rin dahil sainyo baka tuluyan na talaga akong nagquit sa pagsusulat.

ang drama ko na sorry na huhu sign of aging yan HAHAHAHHAHAHA lol seryoso i feel so old talaga compare to your age. feeling ko tita na ako charing HAHAHHAHA.

ayooooon this has been yeorebun's Wanna One Series. thank you! ❤️

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon