27

876 35 13
                                    

Ariane

Enrollment na ngayon. Ang usapan namin magkakaibigan since iba-iba kami ng course, after namin mag-enroll, magkikita-kita nalang kami sa cafeteria ng University. Si Rina naman kasama na ni Jenna.

As usual, si Yhessa pinaka naunang matapos mag-enroll, earlybird eh. Si Joyce naman pinakahuling natapos, nakipaglandian pa ata kay Woojin kaninang umaga 'to kaya na-late ng punta, grr.

Yung pagtatanong ko pala last week about sa ex ni danik, wala akong napala. Hindi ko nalaman kung sino. Hanggang sa naisip ko bigla si Patsi

"Pat!"

"Kailangan sumigaw?!" Sabi niya, katabi ko lang kasi siya

"Hehehehe. May tanong pala ako."

"Ano?"

"Kilala mo naging ex ng kuya mo?"

"Oo naman, duhh. Legal sila dati eh."

Sht! Nagpakahirap ako magtanong at halos patayin na ako ng curiosity ko tapos si patricia lang pala sagot sa tanong ko?!

"Sino?"

Sasabihin na sana niya kung sino nang magsalita bigla si Ayhessa.

"Huy Ariane kamukha mo oh." Sabi ni Ayhessa sabay turo do'n sa isang babaeng papasok palang ng Campus.

"Shit." Narinig kong mura ni Patricia. Nagulat kami sa reaksyon niya kaya napatigil kami at napatingin sa kanya.

"Bakit Pat?" Tanong ni Lyka

"Si Jaemi 'yan."

Jaemi? Parang familiar yung pangalan?

"Jaemi? Sinong Jaemi?" Tanong ni Jenna

"Wait. Chung Jaemi?" Tanong ni Joyce

"Sino 'yon?" Tanong ni Maggie

"Siya yung ahead sa'tin ng two years kaso nag-stop kasi nabuntis." Sabi ni Gabby

"Siya rin ex ni Kuya." Sabi naman ni Patricia na ikinagulat ko.

Siya 'yon? Siya ba yung first love ni Daniel?

**
note: lovin' the flow of this story ;) idk pero g na g ako HAHAHAHAHA

meron nalang akong 10 chapters tas tapos ko na isulat 'tong Immature pero baka topakin ako, baguhin ko na naman ending HAHAHAHA.

kapag naging okay sched ko, tapos ko na isulat 'to next week hehe yun langs!!!

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon