31 | daniel

843 38 18
                                    

Daniel

"I'm not an immature person, Ariane. Sa'yo lang naman ako nagiging immature." Sabi ko. Napatingin lang sa'kin si Ariane pero hindi man lang niya tinanong kung ano ibig kong sabihin.

Ngumiti nalang siya at binuksan yung dala niyang soju.

"Tara inom." Sabi niya. Nagsalin ako sa shot glass ng soju, ganon din ginawa niya.

"Cheers hehe." Sabi niya at tinitigan yung baso. Nainom ko na yung akin pero yung kanya, tinititigan niya pa rin.

"Hindi ka talaga umiinom 'no?" Sabi ko. "Kung di mo kaya, 'wag mo—sabi ko nga kaya mong inumin." Hindi ko na natapos yung una kong sasabihin nang bigla niyang inumin yon.

Napangiwi siya sa lasa, kumuha ako sa dala niyang barbecue at inabot sa kanya. Dali-dali niya namang kinagatan 'yon.

I chuckled, cute din pala neto ni Ariane 'no?

"Gumuguhit. Ang pait." Sabi niya, referring sa soju.

"Di ka lang sanay." Naiiling na sabi ko, napangiti ako ulit.

"Uy napangiti kita." Proud na sabi niya. Bigla akong nagpoker face

"Aish, maduga! Napangiti kita eh! Nakita ko 'yon." Sabi niya

"Edi wow." Sabi ko

"Do I have to drink again just to make you smile?" Tanong niya

No. Your presence is already enough to make me smile—wait. What the hell? Ano ba 'tong sinasabi ko?

"Kung hindi mo kaya, wag mong pilitin uminom." Sabi ko.

Eto na nga ba sinasabi ko.

Iniiwasan ko si Ariane kasi natatakot ako na baka makita ko sa kanya si Jaemi. Una sa lahat, magkamukha sila, sobra. Pangalawa, magkasing-ugali sila.

Ayokong dumating sa point na magkakagusto lang ako kay Ariane kasi nakita ko sa kanya si Jaemi, ayoko. Kung magkakagusto man ako sa kanya, gusto ko yung totoo talaga. Hindi yung sa gan'tong paraan.

Yun ang ibig kong sabihin na sa kanya lang ako immature. Gusto ko kasi ma-turn off siya sa'kin, alam kong imposibleng mangyari 'to pero di talaga siya pwedeng magkagusto sa'kin.

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon