17

940 49 12
                                    

Ariane

Alas onse na ng gabi, tulog na lahat ng mga kaibigan ko, ultimo Wanna One yata tulog na. Gumala kasi kami kanina, sinusulit na namin kasi dalawang araw nalang at babalik na kami sa Seoul.

Dahil hindi ako makatulog, napagdesisyunan kong pumanik sa rooftop.

Pero laking gulat ko nang may lalaking nakatambay sa rooftop namin

"Daniel?"

Napalingon siya pero iniwas agad yung tingin niya. Wait, umiiyak ba siya?

Nung marinig at makita ko siyang suminghot at nagpunas ng luha, dun ko nakumpirmang umiiyak nga siya

Ngayon ko lang nakita umiya ang isang 'to

"Okay ka lang?" Tanong ko pagkalapit sa kanya. Kaaway ko siya pero mukhang kailangan niya ng kausap

"Mukha ba akong okay?"

"Sabi ko nga hindi." Sabi ko at tumabi sa kanya. Tahimik lang kaming nakaupo habang nakatitig sa view. Malamig dito tsaka maganda yung view, sobrang payapa.

"Naranasan mo na ba mainlove ng sobra sa isang tao?" Biglang tanong niya

"Hindi pa."

"Then hindi mo maiintindihan sitwasyon ko."

"Are you inlove with someone?"

He chuckled, a fake one. "She's my first love. Sobrang mahal ko siya, kaso wala eh, nawala siya sa'kin."

Sa tono ng boses niya alam kong sobrang lungkot niya kaya hindi na ako nagtanong pa kahit curious na curious ako.

Nagulat nalang ako nang marinig ko siyang umiyak kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi ko alam pero nagkusa yung kamay kong aluhin siya at isandal yung ulo niya sa balikat ko.

"Sige lang, umiyak ka lang."

This would probably be the first time that I saw Kang Daniel cry.

**
note: some1 asked me to do q&a. like, you can ask questions about me then i'll answer it ganon kaso tingin ko wala naman interesado HAHAHHAA

lol should i?

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon