34 | daniel

845 32 2
                                    

( a/n: still part of the flashback, next update, present time na hehe )

—-

Daniel

Nasuspend ako ng isang linggo dahil sa ginawa ko. Nasa ospital yung gagong lalaki na 'yon, naka-confine. Pero balita ko, papanagutan niya na si Jaemi. Dapat lang. Baka mapatay ko pa siya kung hindi niya papanagutan si Jaemi, gago siya.

"Danik, ano na balak mo?" Tanong ni Jisung-hyung

"Nakakakita ka pa ba? Mugtong mugto na 'yang mata mo eh." Sabi ni Sungwoon-hyung

Magkakasama hyung line ngayon. Ayokong makita ako ng maknae line na ganto, masyado pa silang bata para sa gantong sitwasyon. Baka dahil dito, matakot na sila magmahal at magtiwala. Nung nahimasmasan ako nung nakaraan, agad akong nagsorry kay Guanlin at Patsi. Di deserve ng maknae namin at ng kapatid ko makakita ng ganong sitwasyon.

"Di ko na alam gagawin ko hyung." Sabi ko habang nakapikit. Sobrang bigat na ng mata ko

"Ile-let go mo na si Jaemi?"

"Hindi ko alam. Sobrang sarado pa ng utak ko ngayon kaya ayoko pa magdesisyon." Sabi ko. Sobrang coincidence naman at biglang nagmessage si Jaemi.

~*~

7:32 pm

Chung Jaemi
Active now

jaemi: i'm really sorry danik. di ko kayang humarap sayo dahil sa kahihiyan na nagawa ko. and you probably think that i'm disgusting kaya idadaan ko nalang sa message. you don't deserve someone like me. sobrang bait mong tao at sobra kong tinreasure yung mga pinagsamahan natin. sobrang tanga ko para gawin yon, di ko pwedeng sabihin hindi sinasadya kasi ang gago ko para sabihin yon. pero this time please believe me that i'm sincere about my apology. thank you so much, daniel. thank you so so much. again, i'm sorry.

jaemi logged out

~*~

"Ano sabi?" Tanong ni Jaehwan-hyung

"Wala na kami." Sabi ko sabay tinakpan yung mukha ko ng hood ng jacket ko.

And this is how Jaemi and I's relationship ended.

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon