09

1K 55 33
                                    

Ariane

Nagkaayaan sa Taejongdae ngayon kaya lahat kami siyempre pumunta dito.

Tuwang-tuwa pa si Sungwoon kasi dito raw siya sinagot ni Yhessa

"Potek tuwang-tuwa ka talaga e'no?" Sabi ni Yhessa sabay irap kay Sungwoon

Etong babaeng 'to saksakan din ng maldita eh.

"Babe naman siyempre dito mo ako sinagot eh."

"Edi wow." Sabi niya. Ulol yhessa deep inside kinikilig ka, don't me.

"Picture!" Sabi ni Jaehwan bigla

"Ako na magpipicture sainyo." Pagpe-presinta ni Ate, para raw may picture buong squad.

"So magpipicture kayo ng wala ako?"

Napalingon kaming lahat sa pamilyar na boses

"Rina!" Sigaw namin sabay takbo papunta sa kanya

"Gago! Di mo sinabing uuwi ka na?!"
"Tangina mo namiss ka namin!"
"Musta flight?"
"Gaga ka!"

Samu't-saring mura natanggap ni Rina sa aming mga kaibigan niya

"Kaya pala sabi mo see you soon." Sabi ni Jihoon

"Nandito na ako sa Korea nung nagchat ako no'n, actually kararating ko lang. Tas naghahanap ako ng magandang tiyempo para magpakita sainyo, tas bigla nagkaayaan dito sa Busan kaya I took this opportunity para magpakita na sa inyo." Sabi niya

"Kelan ka babalik sa ibang bansa?" Tanong ni Daehwi

"Etong si Daehwi, kararating ko lang pinapaalis mo na ako agad." Sabi niya, nagtawanan lang kami, "I'm staying here for good." Sabi pa niya

"Dito ka na ulit sa Korea?"

"Yup."

"Pa'no yung studies mo?"

"Oo nga pala, hindi ko nasabi sainyo, graduate na ako." Sabi niya

"Ha? Paano?"

"Dapat diba four years yung course ko, ang ginawa ko para matapos agad, hindi ako nagsummer vacation, kinuha ko na ng mas maaga yung mga units ko para matapos ako agad." Sabi niya pa

"Kaya pala lagi kang hindi nagoonline, kasi nagaaral ka kahit bakasyon niyo."

"Yup. Mas okay naman siya, atleast maaga ako natapos."

"Sobra kaming naging outdated sa'yo."

"It's okay. Magiging updated na kayo ulit sa'kin."  Sabi niya

"Kamusta pala kayo ng boyfriend mo?"

"Si Kevin?"

"Oo."

Bigla ako napatingin kay Baejin na kanina pa tahimik simula nung dumating si Rina. Siya nalang ang hindi kumakausap kay Rina

"Break na kami."

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon