50

977 46 34
                                    

( a/n: pls play the bg song while reading this chapter hehe it's been a while simula nung nagganto ako HAHAHAHA )

—-

Ariane

Prom night.

Si Ong tsaka Gabby yung host namin. Dito lang ginawa yung mini prom namin sa rooftop ng bahay namin dito sa Busan.

Puro kalokohan tsaka tawanan mga ganap sa naunang segment. Actually parang kids party nga 'to eh, kung hindi lang kami naka-formal ngayon iisipin talaga naming kids party 'to

Nalungkot nalang ako bigla. Mamimiss ko 'to.

Mamimiss ko mga kaibigan ko, mamimiss ko Wanna One. Mamimiss ko buong Tuloks.

Napaisip tuloy ako.

Ano ba dapat ika-unique ng libro ko? Huling libro na pero feeling ko walang bago.

Sa sobrang pre-occupied ko, hindi ko namalayang tumutugtog na pala yung slow music at time na para sumayaw.

Si kuya unang sumayaw sa'kin, di raw siya papayag na di siya yung first dance ko. Napaka-sweet talaga.

Sunod naman si Ong, hanggang sa mapunta sa last. Si Danik last dance ko.

"Hindi ko pa nasabi sa'yo pero lalo kang gumanda ngayong gabi, Ariane." Sabi niya.

Anuba huhu

"Salamat. Ikaw din, sobrang gwapo mo ngayon." Sabi ko

Hindi ko alam pero tahimik lang kami ni Danik habang sumasayaw, hindi tulad nung sampu na nagkkwentuhan kami habang sumasayaw.

"Bakit feeling ko may sasabihin ka." Danik said then chuckled

Napalunok ako. Wala naman masamang magtry.

"Meron nga."

"Ay meron talaga? Ano 'yon?"

"Promise me first na hindi ka magagalit."

"Okay I promise."

I took a deep breath before saying, "Danik, I like you."

'Yan lang. 'yan lang sinabi ko pero sobrang kaba na nararamdaman ko.

If I could freeze some moment in my mind
Be the second that you touch your lips to mine
I'd like to stop the clock, make time stand still
'Cause, baby, this is just the way I always want to feel

I want to stop the time, kung pwede lang gan'to nalang tayo Danik. Alam kong wala nang pag-asang magkaroon ng tayo kaya kahit hanggang dito lang, masaya na ako nang ganito tayo.

Niyakap niya ako bigla.

"I'm sorry, Ariane."

I know, Danik. I know.

"Ayokong pumasok sa relasyon nang hindi naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayokong masaktan kita. You're too precious to get hurt. I'm not rejecting you and I'm not accepting it either. It's just that, in the future baka may pag-asa pa tayo, pero not now. Mahal ko pa si Jaemi eh. Pero someday, when this feelings for her already faded. Maybe pwede na tayo."

"It's okay, Danik. Gusto ko lang sabihin sa'yo. Hindi naman ako humihiling na suklian mo yung nararamdaman ko sa'yo. Bago ko pa sabihin sa'yo pinagisipan ko nang mabuti 'to. Napaghandaan ko na 'to, Danik kaya wag kang mag-alala para sa'kin."

"Magkaibigan pa rin naman tayo diba? Wala namang magbabago do'n?"

I smiled, "Oo naman."

Pinagpatuloy namin yung pagsayaw, si Danik pinakamatagal na nasayaw ko. Wala na akong pakialam kahit kaming dalawa nalang yung sumasayaw, gusto ko lang enjoy-in 'tong moment na 'to.

Ang gaan lang sa pakiramdam. Nasaktan ako pero masaya pa rin ako. Pwede pala 'yon? Akala ko kapag nareject ako, iiyak ako o di kaya sobra akong masasaktan. Masakit, oo. Pero kahit gano'n, I'm happy.

"Ariane." Tawag niya sa'kin.

"Hmm?"

"Sana kapag pwede na, pwede pa."

❝ immature ❞ ➳ k.dnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon