Chapter 2

3.6K 27 2
                                    

Chapter 2:
Challenge

A/N: May SPG scene po ang chapter na 'to so read at your own risk.

Kyzer's Point of View

Pagkaalis ni Stephanie, naglakad agad ako para sundan siya.

Hindi ko pinansin ang babaeng buntis pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

"Bumalik ka na sa akin please, Kyzer. May anak na tayo oh."

Binawi ko ang braso ko.

"Pwede ba!! Tumigil ka na sa pagpapantasya mo! I don't even know you! So please! Leave!!!"

"No! Hindi ako aalis hangga't hindi mo papanagutan ang bata!!"

"Shut up! Hindi ko 'yan anak!! Doon ka pumunta sa satanas na totoong bumuntis sa 'yo!!"

"Kaya nga ako nandito di ba!! Dahil ikaw ang ama!! At hindi ako aalis dito hangga't hindi mo papanagutan ang bata!!!"

"Ahh, hindi ka aalis. Attention everyone!! Tapos na ang kasiyahan!! Makakaalis na kayo." Wika ko saka naglakad na ako paalis.

Stephanie's Point of View

Nandito ako ngayon sa sala.

"Mom, paano kung totoo ang sinasabi ng babaeng 'yon, na si Kyzer ang ama ng batang dinadala niya." Tanong ko kay Mommy Celeste.

"Intindihin mo nalang. Kung mahal ka talaga ni Kyzer, kahit may anak siya sa iba, hindi ka niya iiwanan."

"Yun nga mom eh! Baka iiwan niya ako! Mom! Ayokong iwan ako ni Kyzer! At ang mas malala pa, sa araw ng kasal pa namin nangyari! Arrgh!"

"Anak, ito pa lang ang unang pagsubok niyo bilang mag-asawa. Pag-usapan niyo, dahil walang hindi naaayos sa mabuting usapan."

"Sana nga maayos na 'to as soon as possible mom."

"Maaayos yan. Tiwala lang. Nandito na si Kyzer. Mag-usap kayo ha." Wika niya saka umalis.

"Mahal, 'wag mong paniwalaan ang mga pinagsasabi ng babaeng 'yon. Hindi ko nga siya kilala. Paano ako magkakaanak sa kanya, eh kanina ko pa nga nakita ang pagmumukha nun."

"Alam ko ang mga pinaggagawa mo noon Kyzer. Ikaw na mismo umamin sa akin. Paano kita paniniwalaan?"

"Eh kung isa siya sa mga nakatalik ko noon, edi sana nanganak na siya noon pa! Pero buntis pa eh!"

"Paano kung lasing ka nang mga oras na 'yun. Hindi mo alam ang mga pinaggagawa mo at hindi mo kilala ang mga taong nakasalamuha mo. At isa siya sa mga taong nandoon sa mga oras na 'yun. Kyzer, posibleng nangyari 'yun!"

"Stephanie! Matagal na akong hindi umiinom sa labas! Ganyan pala ang tingin mo sa akin! Isang  lalaking mahilig sa sex!! Ganon ba!"

"K-kyzer! Hindi ganyan ang ibig kong sabihin!!"

"Pero ganon ang pagkakaintindi ko! Stephanie, ganyan na ba ako kadumi sa paningin mo? Akala ko ba okay lang sa 'yo! Stephanie naman!! 'Wag na nating balikan ang nakaraan! Kung alam ko lang dati pa na magiging ganito tayo ngayon, edi sana-" hindi niya natapos ang kanyang sinasabi dahil bigla akong nagsalita.

"Edi sana ano? Hindi nalang tayo  nagpakasal! Ganon ba Kyzer! Ha! Ganon ba!"

Hindi siya sumagot.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now