Chapter 12

1.4K 19 0
                                    

Chapter 12:
Patawad

Stephanie's Point of View

Hay nako! Putangina! Magkakilala na pala si Demi at si Skyler! Bakit hindi sinabi sa akin ni Demi na kilala na niya pala ang kapatid ng asawa ko?

Habang nagluluto ako, biglang lumakas ang tibok ng aking puso at agad na pumasok sa isip ko si Kyzer.

May nangyari bang masama kay Kyzer?

Sana naman wala.

Sana mali itong iniisip ko.

Tangina!! Habang tumatagal, mas lalo akong naging paranoid!

"Hoy! Stephanie! Baka mahiwa mo daliri mo!" Biglang wika ni Demi dahilan kung bakit ako bumalik sa realidad.

Nakita kong malapit na ang kutsilyo sa dulo ng daliri kaya agad akong tumigil sa paghihiwa.

"Nagulat ako sa iyo babae ka." Wika ko.

"Paano ka naman hindi magugulat eh hinihiwa mo ang bombay nang nakatulala. Paano kung nahiwa iyang daliri mo?"

"Eh kasi naman, bigla akong kinutuban."

"Kinutuban?"

"Oo. Baka may nangyaring masama kay Kyzer?"

"Walang mangyayaring masama sa kanya okay. Kung meron man, hindi naman siguro ganoon ka panganib. Masasalanta lang siguro siya ng bagyong landi at hanging libog. Ganon."

"Hindi naman siguro."

"Malay mo? Stephanie, maraming babaeng empleyado doon. Hindi malabong may mamimingwit sa asawa mo. Sa katawan pa lang at itsura niya, masarap na."

"May pagnanasa ka ba sa asawa ko!"

"Hoy! Wala! Sinasabi ko lang ang posibleng mangyari! Baka kasi masaktan ka ng sobra kapag nangyari iyon bigla. Para naman aware ka. Hindi lahat ng babae, may respeto sa asawa ng isang lalaki, kapag gusto niya ang asawa mo, maghanda ka na ng samurai pangputol sa ulo ang isang anaconda."

"Hindi gagawin ni Kyzer ang bagay na iyan."

"Ang pumatol sa iba kahit nakatali na siya? Babe, hindi mo alam ang takbo ng panahon. At kung sakali mang may isang desperadang babaeng mangangahas agawin ang asawa mo, handa ka ba? Sapat ba ang lakas mo para ipaglaban ang pagmamay ari mo?"

"Mahal namin ang isa't isa. Sapat na iyon na panlaban."

"Love without loyalty is useless babe. Labas muna ako ha." Wika ni Demi saka naglakad na palabas.

Tama si Demi, ano ang silbi ng love hindi lang ikaw ang mahal niya?

Ano ang silbi ng "I love you" kung marami pala kayong pinasabihan niya?

Ano ang silbi ng mga halik kung marami na pala kayong hinalikan niya?

Kung mahal mo siya, samahan mo ng loyalty.

Matuto kang dumistansya sa mga taong may balak na sirain ang relasyon niyo.

Ayokong pag isipan ng masama ang asawa ko, may tiwala ako sa kanya.

Pero kung may isang taong balak na sirain ang pagmamahalan namin, pasensya pero lalaban ako.

Mayamaya lang, narinig kong sumigaw si Demi sa labas kaya agad akong lumabas para malaman kung ano ang nangyayari.

"Skyler!! Umalis ka na!! Please!" Sigaw ni Demi.

Anong ginagawa niya dito?

"Skyler? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now