Chapter 23

1.1K 19 6
                                    

Chapter 23:
Sense of hearing

Stephanie's Point of View

"Okay na ito." Sabi ko habang hawak ang isang lavender dress.

"Isukat mo, baka hindi bagay sa 'yo." Aniya. Pahihirapan pa talaga ako?

"Sige na nga." Wika ko saka naglakad papuntang fitting room.

Hindi ko pa na de-describe sa inyo si Jerson? Well, he's handsome.

Maputi, nasa 7 feet ang height, tama lang ang pagkasingkit, matangos ang ilong, may pink and kissable lips, malaki ang pangangatawan, tamang-tama lang para tawaging "hunk". Naka korean cut ang buhok, with matching earring na iyong pang kpop, and he's now wearing tuxedo and turtleneck ang ilalim, and black slacks, then tiktak shoes. Iyan talaga ang kanyang kadalasang outfit-an, minsan lang siya nagsusuot ng simple outfits like, T-shirt and denim pants. Ewan ko sa kanya. Mayaman kasi.

And ang weird kasi ang mga ibang babae parang naghuhugis puso na ang mata habang nakatingin sa kanya samantalang ako, normal lang.

Idagdag mo pa ang kanyang baritone voice and Adam's apple na bakat na bakat. He has all the standards of girls when it comes on physical appearance.

Tanga nalang siguro ang hindi maa-attract sa kanya. In short, tanga ako. Hahaha

Pagkatapos kong isuot ang dress, lumabas na ako para ipakita sa kanya.

Kita sa expression ng mukha niya ang pagkamangha. Grabe.

"W-wow. You're pretty—no, you're beautiful—no! Argh! I-i mean, you're gorgeous, wow." Aniya.

Para naman akong dyosa sa mga papuri niya! Hahaha hindi bagay sa akin.

"Hindi naman." Sabi ko.

"Bibilhin na natin iyan."

"'Wag na, T-shirt and high waisted jeans lang naman gusto kong bilhin. Aside doon, medyo may kamahalan rin and dress na ito." Sabi ko.

"Tss, I insist. Bibilhin natin iyan and ibibili rin kita ng T-shirt and high waisted jeans. Because I want you to wear that dress sa susunod nating date." Wika niya.

T-teka, ano daw? Date? Tama ba? Or bingi lang talaga ako.

"A-ano?" Tanong ko.

"Wala. Sabi ko hubarin mo na 'yan para makapili ka na ng T-shirt and jeans."

"O-okay." Wika ko saka bumalik na ng fitting room.

Pagkatapos, lumabas na ako.

"Let's go, ako na ang hahawak ng dress." Sabi niya sabay lahat ng kanyang kamay.

"N-nako, h'wag na. Ikaw na nga ang magbabayad nito tapos ikaw pa ang hahawak, h'wag na. Nakakahiya." Sabi ko.

"Okay lang, paano ka makakapili kung may hawak ka. Sige na, akin na." Aniya. Wala na akong magagawa, ibinigay ko sa kanya ang dress at pumunta na kami sa may mga t-shirt.

Pagkarating namin doon, may ilang mga babaeng namimili doon at agad na tumingin na amin. Pumili na ako ng mga damit para hindi halatang naiilang ako sa mga tingin nila.

"Ang cute nilang mag jowa no?" Sabi ng isang babae.

"Oo nga, and ang gwapo ng guy, parang kpop star." Wika naman ng isa pang babae.

"And ang ganda rin ng girl. Siguro Half American siya. Aww, I want to have that beautiful face." Aniya.

Tiningnan ko si Jerson and oh my gosh, ang pula niya habang nakatingin sa akin!

"M-may problema ba? Ang pula mo." Sabi ko.

"H-ha, o-okay lang ako. S-sige na. Pumili Ka lang diyan."

"O-okay." Sabi ko saka nagpatuloy na sa pagpili.

"Ate! Ateng may kpop na jowa!" Tawag ng isang babae.

What? Kpop na jowa? Jowa ko ang music?

"Y-yes?" Sagot ko sabay ngiti na pilit.

"Bagay kayo ng jowa mo. Stay strong sa inyo!" Sabi niya saka umalis kasama ang mga kaibigan niya.

Whut? He's not my jowa!

"Bagay pala tayo." Biglang wika ni Jerson dahilan kung bakit lumingon ako sa kanya.

Nakangiti siya at pulang pula pa rin.

"Tara na, bayaran na natin 'to." Sabi ko at naglakad na papuntang cashier.

Pagkatapos naming magbayad, lumabas na kami ng mall at pumunta ng cr para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magbihis, pumasok na kami ng kotse niya at umalis na.

"Jerson." Sabi ko.

"Yes?" Aniya habang nakatingin sa daan.

"Salamat nga pala sa pagbili mo ng mga damit para sa akin. Hindi mo naman ito kailangang gawin."

"Okay ka lang. Money is not an issue to me. Hindi ba sinabi ko na sa iyo na gusto lang kitang pasayahin, bagay na hindi kayang gawin ng asawa mo. Gago siya. Alam mo, kung ako ang asawa mo, hinding hindi kita sasaktan. Because your heart is worth enough to handle with care." Aniya.

Ang sweet pero hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal niya.

"Jerson, salamat sa mga efforts at pagmamalasakit sa akin. Pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang maaalay ko sa iyo. I'm sorry, hindi ko kayang pantayan ang pagmamahal mo. Sana maintindihan mo." Wika ko.

"Alam ko naman iyon, Stephanie. Pero maghihintay ako. Kasi pinoproseso naman ang pagmamahal. Aasa akong isang araw, mamahalin mo rin ako."

"Paano kung hindi? Jerson, ayokong tumanda ka mag-isa."

"Edi samahan mo ako."

"Jerson-"

"Joke lang! Gutom na kasi ako. Kain muna tayo." Aniya saka lumiko sa isang sikat na fast food chain.

Umorder siya at ganoon rin ako kaya ilang saglit lang ay um-order na siya sa cashier.

Actually, naaawa na ako kay Jerson. Ginagawa niya kasi ang lahat para lang mapasaya ang babaeng gusto niya.

Kung pag-uusapan namin iyan, nakakahiya naman. Sinabihan ko na nga siyang hanggang pagkakaibigan lang kami, tapos mag-uusap pa tuloy kami ng mas malalang bagay.

Alam kong nasasaktan siya pero hindi niya pinapahalata, dahil magkasama kaming dalawa.

Mayamaya lang, bumalik na si Jerson bitbit ang tray na may pagkain, pagkatapos ay kumain na kami.

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami at umalis na.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa harap ng kompanya namin.

"Jerson, thank you again."

"No worries, nag enjoy ako. Next time ulit." Aniya.

"Sige pero treat ko naman." Natatawa kong sabi.

"Sige ba." Wika niya.

"Sige, bababa na ako." Sabi ko saka bumaba na ng sasakyan.

Pagkababa ko, kumaway ako sa kanya at ganoon din siya saka umalis.

Pupunta na sana ako sa kotse ko pero may narinig akong dalawang pamilyar na boses na parang nag-aaway sa di kalayuan.

Patago akong lumapit sa kanila para mas marinig pa sila.

"Kyzer! Sabihin mo nalang ang totoo! Na mahal mo pa rin ako! Nahahalata ko naman eh!" Sabi ni Ashleen.

"Oo na! Mahal pa rin kita!" Si Kyzer.

Hindi ko na narinig ang kanilang sunod na pinag-usapan dahil tumakbo na ako papunta ng car habang umiiyak.

Pinaandar ko ito at agad na umalis.

Another heartbreak for Stephanie.

The CEO's Mistress✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant