Chapter 29

1.1K 19 19
                                    

Chapter 29:
Red lady

Kyzer's Point of View

Lumabas ako ng office para tanungin ang empleyadong nag-abot sa akin ng sulat na ito.

"Ms. Celia, sino ang nagpadala ng sulat na ito?" Tanong ko.

"Ang messenger, CEO." Sabi niya.

"G-ganon ba, s-sige, salamat." Wika ko saka bumalik sa ng office.

Nakakapagtaka, sino si "The Heiress"?

Si Ate Stella? Siya ba ang papalit sa akin?

Kung siya, bakit dinaan niya pa sa sulat? Pwede naman niya akong tawagan or puntahan dito para sabihin na papalitan na niya ako.

Pupuntahan ko kaya si Ate Stella sa bahay nila? Para malaman ko kung ano ang rason para palitan niya ako.

Tama.

Umalis ako ng office para pumunta sa bahay niya.

Nang makarating ako, hinanap ko agad si Ate Stella.

Nandito ako ngayon sa sala, nakaupo sa sofa at magkaharap kami ni ate and mommy.

"Ate, ikaw ba si The Heiress? Ang papalit sa akin?" Tanong ko dahilan kung bakit nabigla si mommy at si ate.

"Ha? The Heiress? Papalit sa iyo? Saan mo naman napulot ang balitang iyan Kyzer?" Tanong ni ate.

"May natanggap kasi akong sulat kaninang umaga, ito po oh." Sabi ko saka kinuha ang sulat na inilagay ko sa aking tuxedo at iniabot sa kanya.

Binasa nilang dalawa ang letter at halata sa expression ng kanilang mukha ang pagkabigla.

"Mom, may ibang anak ba si daddy?" Nagtatakang tanong ni ate.

"Ibang anak, hmmm... Hindi ko alam, anak. Sa pagkakaalam ko, tayo lang naman ang pamilya ng daddy niyo." Si mommy.

"Hindi naman pwedeng si Japjap, aside sa bata pa siya, heiress ang nakalagay sa sulat, so babae. Pwera nalang kung bakla itong kapatid ko. Japjap! Halika na dito kay ate." Sabi ni Ate Stella dahilan kung bakit lumapit sa kanya si Japjap.

"Why ate?" Tanong ng bata.

"Bakla ka ba?" Diretsong tanong niya.

"No! I'm not a gay ate!" Agad na tanggi ni Japjap.

Nakakatawa ang reaksyon ng bata, hahaha! Para siyang napagbintangan na pumupu sa banyo hahaha!

"Naku, Kyzer. H'wag mo nalang intindihin ang sulat na iyan. Baka wala lang magawa ang sumulat niyan at ikaw ang napagtripan. Hindi naman ako ang Heiress, hello, secret agent ako. At kailan pa naging CEO ang agent, ang tanging alam lang naman namin ay ang pagsisinungaling, makipagbarilan, suntukan. Hindi ko alam kung paano magpatakbo ng negosyo. Bumalik ka na ng office, Kyzer. Don't worry, hindi ako ang The Heiress, walang papalit sa 'yong posisyon." Paliwanag ni ate.

Nang makonpirma ko ang tungkol sa sulat, napadesisyonan ko nang bumalik ng office at ipagpatuloy ang aking trabaho. Pero hindi pa rin naalis sa isip ko si The Heiress.

Sino Ka ba? At bakit mo naisip na padalhan ako ng sulat na ganito?

Ano ba ang plano mo?

Isang taon ang lumipas, napagdesisyonan kong doon na tumira kina Ashleen.

Hindi para ipagpatuloy ang naputol naming love story kundi, gampanan ang aking papel bilang ama ni Ashton Zeke Servantes.

Apelyido ni Ashleen ang ginagamit ng aming anak dahil hindi kami kasal.

What if buhay pa si Stephanie? Ano kaya ang sekswalidad ng anak namin? Ano kaya ang pangalan niya?

Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan, babaguhin ko ang mga pangyayari para hindi umabot sa ganito ang resulta.

"Kyzer! Si Ashton! Nakakalakad na!" Masayang wika ni Ashleen.

Ang swerte naman ng araw ko! Buti nalang hindi pa ako pumunta ng office.

"Wow! Ang galing naman ng anak ko! Halika Ka nga dito kay daddy!" Sabi ko saka umupo medyo malayo sa anak ko at idinipa ang kamay ko para salubongin ang anak ko.

Dahan-dahan na siyang lumalakad ngayon papunta sa akin.

Ang saya sa pakiramdam bilang ama na natutukan mong lumalaki ang anak mo.

Hindi lahat ng ama, nabibigyan ng ganitong pagkakataon, may mga malayo sa pamilya para makipagsapalaran sa ibang bansa, may mga lumalaban para sa ating bansa, at may mga ama rin na hindi nakitang lumalaki ang kanyang anak kasi, naging anghel na.

Nang makarating na siya sa akin, agad ko siyang kinarga at hinalikan sa pisngi bago ko ipinasa sa mama niya.

"Anak, magwo-work lang ang daddy ha."

"At pati si mommy." Wika ni Ashleen dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.

"M-magtatrabaho kana? Kaya mo na?"

"Oo naman. Isang taon akong hindi nagtrabaho kaya marami akong naipong lakas."

"Sure ka?"

"Oo naman, hintayin mo lang ako dito, magbibihis lang ako saglit." Aniya saka naglakad na papunta ng kwarto.

Pagkatapos niyang magbihis, umalis na kami agad.

Tahimik lang kami buong byahe, hanggang sa makarating kami ng kompanya.

"Okay, balik sa dati, CEO Buenelle." Wika ni Ashleen.

"Okay, Secretary Servantes." Wika ko saka sabay kaming bumaba ng kotse.

Nang makapasok kami ng gusali, nakita ko ang mga empleyadong nagbubulongan habang nakatingin sa aming dalawa. Ang lakas pa ng boses ng iba eh.

"Mars, may nakapagsabi sa akin na nagli-live in na daw sila."

"Talaga? Kakamatay pa nga lang ng asawa, lumalandi na. At sa sekretarya pa."

"Siguro kung buhay pa ang asawa ni CEO, baka mas matindi pa ang gagawin niya kaysa sa nagawa niya dati."

"Don't mind them, we are here for work, not to entertain their judgements, CEO Buenelle." Wika ni Ashleen.

Nang makarating na kami sa office, napansin niya agad ang PT na nasa table ko.

"Kanino ito? May nabuntis Ka na naman?" Aniya.

Wow, grabe.

"Hindi, kay Stephanie 'yan." Sabi ko saka ibinaba niya agad ito.

"So totoo ngang buntis siya?"

"Oo, pero hindi ko pinaniwalaan."

"I'm sorry, ganoon din naman ako. Hindi rin ako naniwala." Aniya.

"Okay lang, lumipas na iyon. At kahit iyakan pa natin iyon ng paulit-ulit, hindi nito mababago ang nangyari. All we can do is accept the mistake, and consider it as a lesson to become a better person."

"Tama Ka."

Mayamaya, may isang empleyadong nagsabi na ipapapunta daw kaming lahat sa bakanteng silid, kaya agad kaming pumunta roon.

Pagkarating namin doon, marami ng empleyadong naroon.

Anong meron?

Mayamaya, may isang babaeng nakapula ang pumasok sa silid na nakapagpabigla sa aming lahat.

"Hindi ito imagination, hallucination or daydream. What you see is all real. I am Stephanie Fernandez, and I am the new CEO of Fermented Wine. It is good to be back."

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now