Chapter 6

2K 26 0
                                    

Chapter 6:
Skyler's Home Coming

Stephanie's Point of View

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama habang tinitingnan ang kwintas na kanina ay hawak ni Katrina.

Ilang saglit lang, may kumatok sa pinto.

Binuksan ko naman ito at nakita ko ang isang maid na nakatayo sa harap ko.

"Ma'am Stephanie, yung damit daw po ni Sir Kyzer."

"Ay! Oo nga pala. Teka lang ha, kukunin ko lang." Wika ko saka naglakad na papunta sa aparador ni Kyzer at kumuha ng damit na isusuot niya.

Pagkatapos ay ibinigay ko ito sa maid.

"Salamat po, ma'am." Wika niya saka naglakad paalis.

Sinarado ko ang pinto at pumunta sa CR para mag shower.

Pagkatapos ay nagbihis ako at lumabas na ng kwarto.

Pumunta ako sa kusina. Nakita ko si Kyzer na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Inilipat ko naman ang aking tingin kay Katrina na ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

Ningitian ko lang siya, Pero yung plastic smile.

Umupo ako sa tabi ni Kyzer.

"Hay! Ang tagal naman ni Grandma. Gusto ko ng kumain." Naiinip na wika ni Katrina.

"Sinabi ba naming maghintay ka? Pwede ka namang kumain eh." Sarkastikong wika ko.

"Kinakausap ba kita? Ha!" Galit na wika ni Katrina.

"Please, 'wag kayong mag-away sa hapagkainan." Mahinahong wika ni Kyzer dahilan para matahimik kaming dalawa.

Ilang saglit lang, dumating na si Minerva.

"Anong nangyayari dito?" Tanong niya.

"Wala po, grandma. Kain na po tayo." Wika ko.

Habang kumakain kami, si Katrina ay padabog na kumakain.

"Katrina! Stop that!" Galit na wika ni grandma.

"Shut up! Tanda!" Sigaw ni Katrina kay Minerva.

Shit! Lumalabas na ang totoong kulay ng bwiset na babaeng 'to.

"Katrina! 'Wag mong pagsabihan ng ganyan si grandma! Wala ka na ba talagang galang!" Galit na wika ko.

"Shut up Stephanie! This is all your fault!"

"No Katrina! This is all your fault! Kung hindi dahil sa 'yo, hindi kami magkakaganito!"

"Sinabi ko bang maging ganyan kayo! 'Wag mong isisi sa akin ang lahat! Dumating lang naman ako dahil may pananagutan si Kyzer."

"Ang tanong, kay Kyzer ba talaga ang batang 'yan?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan Stephanie?"

"Tumahimik kayo!" Biglang sigaw ni Kyzer sabay hampas sa lamesa.

"Tumahimik? Kyzer! Hindi ako pwedeng tumahimik! Palalampasin lang ba natin ang ka-demonyahan ng babaeng 'to!"

"Will you please shut up Stephanie!!"

"Wow! Wow Kyzer ha! Wow! Ako pa talaga ang mag shut up! 'Di ba si Katrina dapat ang mag shut up! Mas mabuti pa nga sigurong mag go out siya eh!"

"Stephanie! Please! Nananahimik na si Katrina."

"Sino ba talaga ang kinakampihan mo Kyzer?"

"Wala! Wala akong kinakampihan sa inyo!"

"You're lying! Parang mas kinakampihan mo pa ang demonyang 'yan kesa sa sa'kin eh!"

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now