Chapter 3

2.9K 26 0
                                    

Chapter 3:
New Enemy

Stephanie's Point of View

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na bumabalot sa buong kwarto.

Tiningnan ko ang pwesto na hinigaan ni Kyzer pero wala na siya doon.

Hinanap ko siya sa paligid ng kwarto pero bigo akong makita siya.

Kaya pumunta ako sa CR para magbihis.

Pagkatapos ay lumabas ako ng CR at umupo sa harap ng salamin na basa gilid ng kama namin at nagsuklay.

Mayamaya lang, may pumasok sa kwarto.

"Good morning mahal! May dala akong breakfast. Let's eat." Wika niya saka inilagay niya ang trey na may pagkain.

Wow!! Ang sarap!!! Egg, pandesal, cereal and coffee! Yum yum!

"Wow mahal!! Sarap naman niyan!"

"Oo naman. May halong pagmamahal 'yan eh."

"Tsss! Napaka corny mo talaga."

"Sorry, in love lang."

"Tsss! Corny mo talaga. Kumain na nga lang tayo." Wika ko saka nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos ay sabay kaming lumabas sa kwarto.

Pagkarating namin sa sala, nakita agad namin ang tatlong bagahe na nasa mat.

Ilang saglit lang, dumating na si Mommy Celeste, si Ate Stella at si Japjap.

"Mom? Aalis na kayo?" Tanong ko kay mommy.

"Oo anak, hindi kami pwedeng magtagal dito. May trabaho kami ng Ate Stella mo at may pasok pa si Japjap, kaya kailangan na naming bumalik ng Manila."

"Ahh, ganon po ba. Sige po, mag-iingat kayo." Wika ko saka niyakap ko silang tatlo.

Mayamaya lang, kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Anak, ayusin niyo ang problema niyo ha. Yung tungkol sa babaeng buntis. Kapag mag-aaway kayo, 'wag maghiwalay agad. Normal lang iyan sa mag-asawa."

"Sige po mom."

"Good! At ikaw naman, Kyzer. 'Wag na 'wag mong sasaktan si Stephanie ha. Dahil ako ang makakalaban mo."

"I will, mommy. Hindi ko sasaktan ang anak mo."

"Good. Payakap nga." Wika ni mom dahilan para yakapin siya ni Kyzer.

Pagkatapos ay nagshake hands naman sila ni Ate Stella, nag high five naman sila ni Japjap.

"Mag-iingat kayo dito ha." Wika ni mommy.

"Stephanie, sabihin mo sa 'kin kapag sinaktan ka ng asawa mo ha! Dahil ako mismo ang gugulpi sa kanya." Matigas na wika ni Ate Stella.

"Ate, hindi ko sasaktan itong kapatid mo. Mahal ko 'to eh." Wika ni Kyzer saka inakbayan ako.

"Siguraduhin mo lang."

"Kyzer, Stephanie. Aalis na kami." Paalam ni mommy.

"Mom, hatid ko na po kayo." Wika ni Kyzer.

"Naku, 'wag na. Kaya na namin 'to. Basta mag-iingat kayo dito."

"Opo, mommy." Sabay naming wika ni Kyzer.

Naglakad na sila paalis.

"Mamimiss ko sila." Wika ko saka hinagod ni Kyzer ang likod ko.

"Don't worry, mahal. Makikita rin natin ulit sila."

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now