Chapter 36

1.5K 11 0
                                    

Chapter 36:
Rain of Bullets

Stephanie's Point of View

Nandito pa rin ako sa loob ng lumang gusali, naghahanap ng daan palabas.

Iyong daan kasi na nilabasan ko dati, naka-locked ka humahanap ako ng ibang daan.

"Stephanie!" Biglang wika ni Jerson sa isang nakakatakot na boses. "Akala mo, nauto mo na ako, HAHAHA! Hindi, dahil kinandado ko ang lahat ng labasan sa gusaling ito! Kaya hindi ka makakalabas!" Aniya.

Tangina.

Tumakbo agad ako para maghanap ng matataguan. May nakita akong isang silid na tambak ng mga gamit, kaya pumasok ako doon at nagtago.

"Stephanie, halika na, naiinip na daw ang mommy mo sa impyerno, bakit daw ang tagal mo." Aniya. Mas bumilis ang tibok ng aking puso.

Lord! Tulong!

Kyzer's Point of View

"Eh sino naman ang may gawa nito?" Tanong ni Skyler.

"Mag isip tayo ng taong kakilala natin na posibleng gumawa nito." Sabi ko.

"Eh bro, parang hindi naman iyan magandang paraan." Aniya.

"Oh eh, anong gusto mong gawin natin? Uupo at maghihintay kung may lead na ang mga pulis? Eh paano kung matagal pa bago sila makakuha? Bro! Buhay ng asawa ko ang nakasalalay dito! Bawat segundo ay importante kaya hindi pwedeng maghintay lang tayo."

"Siguro, si Ashleen kasi siya lang naman ang alam nating kalaban ni Stephanie." Si Stella.

Oo, hindi kami nakakita ng kahit isang bagay na makakapagbigay sa amin ng hint kung ang killer at kidnapper. Malinis gumawa ng krimen ang taong ito.

Nandito kami ngayon sa labas ng morgue, nag-iisip ng posibleng suspek.

"Parang hindi, sabi kasi ni Stephanie kagabi, humingi daw ng tawad si Ashleen sa kanya kagabi so impossible." Si Demi.

"Paano kung drama lang pala niya iyon para hindi mahalata ang plano niya." Si Skyler.

"Isa lang ang paraan para malaman natin. Puntahan natin siya." Sabi ni Stella saka lumabas na kami at sumakay na ng sasakyan saka umalis.

"Sa plantation tayo, baka nandoon siya." Sabi ko.

Nang nakarating kami, nakita agad namin si Ashleen na nagaani ng ubas.

"Hoy babae! Nasaan si Stephanie?" Wika ni Demi.

"H-huh? H-hindi ko alam." Sabi ni Ashleen.

"Aminin mo nalang kasi na ikaw ang dumukot sa kanya." Si Stella.

"B-bakit naman ako aamin s-sa bagay na hindi ko ginawa?" Inosente niyang wika.

"Wala siyang alam. Umalis na tayo." Wika ko.

"Eh paano kung nagmamaang-maangan lang ang babaeng ito?" Wika ni Demi at sasabunutan na sana niya ni Ashleen.

"Demi, h'wag!" Sabi ko.

"K-kung gusto niyo, s-sasama ako sa paghahanap sa kanya." Sabi ni Ashleen saka bumalik na kami ng sasakyan at sumunod naman siya sa amin, pagkatapos ay umalis na kami.

"Tawagan ko kaya si Jerson para tulongan niya tayo sa paghahanap." Wika ni Demi.

"Good idea. Tawagan mo." Si Stella.

"Hello, Jerson?" Aniya.

"Yes, Demi?" Sabi ni Jerson sa kabilang linya, naka loudspeaker kasi kaya rinig naming lahat.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now