Chapter 7

1.9K 18 3
                                    

Chapter 7:
Pagnanasa

Stephanie's Point of View

Sa wakas! Nahuli ko na sa akto ang malaking daga dito sa bahay!

Painumin ko kaya siya ng pesticide, para mamatay siya.

Ay, 'wag nalang. Baka makulong ako dahil sa kasong Animal Abuse.

Gagamitin ko nalang ang lahat ng nasaksihan ko laban sa kanya kapag kinalaban niya ako.

Good idea! Para talo na siya agad sa first round.

Naglakad na ako papunta sa sala para makisaya sa pag-uwi ni Skyler.

Pero noong pagkarating niya dito, bigla akong kinabahan.

I have this strong feeling na may mangyayaring masama either sa akin o sa pamilya niya.

Sana mali ang kutob ko.

Pagkarating ko sa sala, nakita ko sila na masayang nagtatawanan.

"Ang saya niyo ah." Bigla kong wika dahilan para tumingin sila sa akin.

Tiningnan ko si Skyler na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Samahan mo kami dito, mahal." Wika ni Kyzer.

"Sure." Sagot ko saka umupo sa tabi niya.

Habang nagke-kwentohan kami, nakita ni Skyler si Katrina na nakatayo sa hagdan at nakangiting nakatingin sa amin.

"Grabe ka bro, hindi ka pa pala nakuntento kay Stephanie, may ibang babae ka pa pala. HAHAHAHA!" Biglang wika ni Skyler dahilan para matahimik kaming lahat.

Isang nakakabinging katahimikan sa nabuo.

Ilang saglit lang, nagsalita si Kyzer para basagin ang katahimikan.

"Bro, she's not my number 2."

"Kung hindi, eh ano?"

Hindi sumagot si Kyzer at tumingin siya sa akin.

"Siya si Katrina, pinatira namin siya dito kasi si Kyzer ang ama ng batang nasa kanyang sinapupunan." Wika ko dahilan para mabigla si Skyler.

"What the fuck! Bro! Nakabuntis ka!"

"Saka ko nalang sasabihin ang buong istorya sa 'yo, Skyler kapag hindi na siya nakatingin dito." Bulong ko kay Skyler.

"HAHAHAHA! Sige, Stephanie."

Mayamaya lang may isang maid na lumapit kay Minerva at may inabot na isang sulat.

Binasa niya ito at laking gulat namin nang bigla siyang humagulgul ng iyak.

"Grandma, what's wrong?" Tanong ni Skyler.

"P-pa-patay na ang k-k-kapatid ko." Nauutal niyang sagot.

"Si Tita Miranda? Wala na?" Tanong ni Kyzer.

"Oo apo. W-wala na s-siya! Uuwi ako ng Manila ngayon din!" Wika niya saka tumayo at akmang lalakad na pero biglang nagsalita si Skyler dahilan para tumigil siya.

"Sasama ako sa 'yo, grandma."

"Skyler, apo, 'wag na, dito ka nalang. Kaya ko na 'to, nandun naman parents mo."

"Sigurado po kayo?"

"Yes apo."

"Mag-iingat po kayo."

"Salamat." Wika niya saka naglakad na papunta sa kanyang kwarto.

"Ano ang ikinamatay ni tita?" Tanong ni Kyzer kay Skyler.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now