Chapter 30

1.2K 16 13
                                    

Chapter 30:
The Reason

Stephanie's Point of View

Flashback...

Nang nahulog ang aking sasakyan sa bangin, ay parang nawalan ako ng lakas dahil sa pangyayari.

Pinilit kong lumabas dahil umuusok na sa loob at tumakbo kahit hirap na hirap dahil sa mga sugat, at ang aking ulo ay nagdudugo dahil sa pagkauntog.

Mayamaya, biglang sumabog ang sasakyan dahilan kung bakit natilapon ako.

Kahit nahihilo, pinilit ko pa ring tumayo hanggang sa makarating ako ng kalsada.

Mayamaya, may sasakyan na papalapit kaya agad ko iyong pinara at huminto naman iyon sa harap ko.

"S-si Stephanie! Isugod natin siya sa hospital agad! Anak! Tulongan mo ako dito!" Sabi ng isang babae pero hindi ko na nakita ang mukha niya dahil unti-unti nang dumidilim ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

***

Nagising ako na nasa isang silid at nakita ko sina mommy.

"Anak, gising ka na!" Aniya.

"Mom? S-sinong nagsugod sa akin dito?" Sabi ko ng napagtanto kong nasa hospital ako.

"Ang pamilya ni Congressman Rivera. Pumara Ka kasi daw sa kanila, at ng nakita nilang masama ang kalagayan mo, agad ka nilang isinugod dito. Tatawagan ko na ba si Kyzer para makadalaw siya dito?"

"Mom! No, pwede niyo bang, ipalabas na... Patay na ako?"

"Ano! B-bakit naman?"

"Ayoko muna siyang makita. Gusto kong malaman nila na patay na ako para matuloy nila ang kanilang paglalandian na pinigilan ko. At ayoko ko siyang makita dahil hindi siya naniwala sa akin na buntis ako. Mom, ang baby ko? Kumusta ang baby ko?"

"Anak, your baby is okay. Isang milagro ang hindi Ka nakunan. Sabi sa amin ng doctor noong nakaraang araw, iche-check pa rin nila ang baby mo para malaman kung ano na ang kalagayan nito."

"N-nakaraang araw? Mom?"

"Anak, apat na araw kang walang malay." Wika niya dahilan kung bakit ako nabigla.

"Yes girl. Four days ang beauty sleep mo." Sabi ni Demi.

Ilang saglit lang, biglang nag ring ang phone ni Skyler.

"S-si Kyzer, tumatawag." Aniya.

"Skyler, please, pwede bang sabihin mo sa kanyang-"

"Don't worry, Steph. I got your back." Aniya saka lumabas ng room.

***

Nang makalabas ako ng hospital, napag desisyonan kong doon muna ako titira sa bahay namin sa kabilang subdivision. Sumama naman sa akin si Demi at si Skyler para may magbantay sa amin ng anak ko.

Dumadalaw naman dito sina mommy, Japjap, at Ate Stella para kumustahin ako.

***

"Mom, pwede bang makita ang last will ni daddy?" Sabi ko kay mommy through phone call.

"Oo naman, dadalhin ko diyan bukas." Aniya.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now