Chapter 26

1.1K 18 14
                                    

Chapter 26:
Call

Stephanie's Point of View

"Mahal, please. H'wag naman ganito. Pwede mo naman siyang dalawin sa kanila." Nagmamakaawa kong wika habang naglalagay si Kyzer ng mga damit sa maleta niya.

Yes, aalis si Kyzer. Sabi niya, doon daw muna siya kina Ashleen para matutukan niya ang pagbubuntis ng sikretarya niya.

"Mahal, sinabi ko na sa iyo 'di ba, kapag nanganak na siya, babalik din agad ako dito. Promise." Aniya.

Parang hindi ako sigurado sa sinasabi niya, nine months, siyam na buwan siyang titira sa bahay ni Ashleen, paano kung mas ma-develop ang asawa ko sa kanya? Lalo na ngayong nalaman ko na mahal pa rin siya ni Kyzer?

This can't be! Please Kyzer, don't do this!

Hindi niyo ako masisisi kung bakit ako ganito, kasi masakit lang isipin na ang asawa mo, tumitira sa ibang bahay, matutulog na ibang babae ang kasama.

"Mahal please, stay." Naluluha kong sabi.

"Mahal, I'm sorry, I can't. Kailangan gampanan ang obigasyon ko bilang ama ng batang dinadala ni Ashleen. I have to go." Sabi niya saka lumabas na ng kwarto dala ang kanyang maleta.

Naiwan ako dito sa kwarto, nag-iisa, umiiyak.

Bakit ba nangyayari sa amin ito?

Hindi ba pwedeng katulad lang kami ng normal na mag-asawa na masaya, nagmamahalan na walang ibang nakikisawsaw?

Bakit palagi nalang akong nasasaktan? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?

Mayamaya, pumasok si mommy sa kwarto ko umupo sa gilid ng kama—sa tabi ko.

"Anak, kapag ba, ako ang kabit ng asawa mo, magagalit Ka ba?" Aniya.

Ha? Ano bang pinagsasabi niya?

"Bakit mom? Pumapatol ka sa asawa ng anak mo?"

"H-hindi ganoon, ang gusto ko lang sabihin, naging kabit rin ako, katulad ni Ashleen." Sabi niya dahilan kung bakit bigla akong tumigil sa pag-iyak.

Teka, ano?

"Huh?" Sabi ko.

"Bago ko nakilala ang daddy mo, nagtrabaho ako sa isang café at doon ko nakilala ang isang gwapo at matipunong lalaki na naka suit. Nahulog agad ang loob ko sa kanya noong una ko pa lang siya nakita." Sabi niya saka ngumiti saglit. "Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa café at ako ang palaging nagse-serve ng kape niya. Hanggang sa isang araw, nilakasan ko ang loob ko para aminin sa kanya ang nararamdaman ko. At sobrang says ko kasi ganun rin pala ang nararamdaman niya sa akin. Hindi nagtagal ay naging kami na, sinabi niya sa akin na pupunta daw kami sa isla nila, and there, I found out na may asawa na pala siya. Sinabi niya sa ina niya na hihiwalayan niya daw ang asawa niya para sa akin. Pero hindi pumayag ang mommy niya, kaya nagdesisyon siyang magtanan kaming dalawa kaya bumalik kami ng Manila. One year after, naisilang ko ang isang magandang bata, ang Ate Stella mo. At doon ko rin napagdesisyonan na taposin ang relasyon naming dalawa. Na-realize ko kasi na mali itong ginagawa namin. At nai-imagine ko rin na habang nagsasaya kaming dalawa, may isang taong nasasaktan at umiiyak." Kwento ni mommy.

So magkaiba kami ng ama ni ate?

"S-sino po ang ama ni ate mom?"

"S-si, Robert Buenelle, ang ama ng asawa mo."

Ano!

"Ha? So magkapatid sa ama si Ate Stella at si Kyzer?"

"Exactly." Aniya habang tumatango.

"Dapat na nating sabihin kay ate ang totoo."

"No need, Stephanie. Alam na niya. Sinabi ko na sa kanya sa harap ni Robert and Rebecca."

"S-so, galit sa inyo si Mommy Rebecca?"

"Hindi."

"Huh? Bakit?"

"Kasi pinatawad na niya ako."

"Paano niya magawang patawarin ka mom?"

"Forget the past."

"Paano?"

"Malalaman mo rin 'yan pagdating ng panahon."

Isang buwan ang lumipas, parang nawalan na ako ng gana sa maraming bagay.

Kain, tulog, ligo. Iyan lang ang ilan sa mga bagay na paulit-ulit kong ginagawa. Pero may isang bagay na dapat ay gagamitin ko pero hindi ko nagagamit dahil...

Hindi ako dinadalaw ng monthly period.

Tinawag ko si Demi para bilhan ako ng pregnancy test, para ikonpirma kung tama ang nasa isip ko.

Baka buntis ako.

Nang makabalik na si Demi, binigay niya agad sa akin ang PT kaya pumunta agad ako ng cr for confirmation.

Ilang saglit lang, lumabas na ang resulta.

Dalawa ang linya, positive. Buntis nga ako!

Patakbo akong bumaba para ibalita kay mommy at para magpa-checkup sa OB.

"Congratulations, misis. One month ka ng buntis! Nasaan ang daddy? I'm sure magiging masaya iyon kapag nalaman niya ito." Sabi ng OB.

Sana nga.

Paglabas namin ng clinic, kinausap ko agad si mommy.

"Mom, pupuntahan ko po si Kyzer." Sabi ko.

"Sigurado ka?" Aniya.

"Opo. Dapat niyang malaman ito."

"Okay, magta-taxi nalang ako."

"Ihahatid ko na po kayo."

"Tss, h'wag na. Bawal sa buntis ang mapagod kaya dumiretso ka na sa bahay ni Ashleen. Teka, alam mo ba kung saan ang bahay nila?"

"Opo, sinabi sa akin ni Kyzer."

Sa loob ng isang buwan, isang beses lang kami nagtawagan. Hindi pa nga iyon umabot ng 10 minutes, siguro nasa seven or eight minutes lang. Kaya nagkaroon ako ng chance para magtanong kung saan ang bahay ni Ashleen.

Sumakay na ako ng sasakyan at umalis na.

Pagkarating ko sa bahay nila, nakita ko sila na nasa labas at parang sasakay na ng kotse kaya agad ko siyang tinawagan.

"Hello?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Mahal, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.

"Pwede h'wag ngayon, mahal? Text nalang kita."

"Mahal nasa tapat ako ng bahay niyo!" Sabi ko saka lumabas ng car at pumunta sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Mahal umuwi na tayo. Buntis ako!" Sabi ko habang nakangiti pero tahimik lang siya.

"Ginagawa mo lang ba iyan para iwanan niya ang obligasyon sa anak namin? Ganyan ka na ba ka desperada?" Sarkastikong wika ni Ashleen.

Ilang saglit lang, lumapit sa akin ang ina ni Ashleen at sinampal ako.

"Lumayas ka dito babae ka! H'wag kang makisawsaw sa kanilang dalawa! Dahil walang lugar dito ang mga mang-aagaw katulad mo!"

Parang tinusok ng punyal ang puso ko ng nakita kong wala man lang ginawa si Kyzer para protektahan ako.

"Mahal, umuwi ka na." Aniya dahilan kung bakit bumagsak na ang luha ko.

Agad akong pumasok sa sasakyan at mabilis na pinatakbo ang sasakyan.

Third Person Point of View

Mabilis na pinatakbo ni Stephanie ang sasakyan habang umiiyak at sumisigaw hanggang sa hindi niya namalayan na paliko na pala ang daan kaya nahulog ang sasakyan sa bangin.

Mayamaya lang ay sumabog ito.

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now