Chapter 8

2K 12 2
                                    

Chapter 8:
Bistado

Stephanie's Point of View

Nandito na kami ni Kyzer sa kwarto namin.

"Bwiset na Skyler na yun!! Simula ngayon, hindi ko na siya kikilalaning kapatid!! Bakit ka ba napadpad sa kwarto niya?" Pasigaw niyang tanong sa akin.

"E-eh kasi, p-pinapunta niya a-ako doon sa k-kwarto niya p-para s-sabihin ko sa kanya a-ang nalalaman k-ko tungkol kay Katrina."

"Bobo ka ba Stephanie? Si Katrina nalang sana ang pinapunta mo doon para sila nalang ang mag-usap!"

"A-at noong d-dumating n-na siya dito, m-may masama na ang kutob ko."

"Kinutoban kana pala! Edi sana umiwas ka! Pwera nalang kung, ginusto mo rin ang nangyari kanina."

"Kyzer! Mag-isip ka naman!! Kung ginusto ko 'yon, hindi sana ako sumigaw ng tulong!!! Asawa mo ako! Pero bakit para akong pokpok sa paningin mo!! Minsan nga, napapaisip ako kung mahal mo ba talaga ako. Dahil sa tingin ko, pinakasalan mo lang ako para may pagbuntungan ka ng kalibogan mo!! Pagod na pagod na ako!! Aalis na ako sa impyernong 'to!!! Bwiset!" Wika ko saka kinuha ko ang aking mga maleta at inilagay ko ang aking mga damit doon at umalis.

Pagkarating ko sa daungan ng bangka, tiningnan ko muna ang daan papunta sa bahay ni Kyzer.

Kung mahal mo talaga ako, Kyzer, susunduin mo ako sa bahay.

Sumakay na ako sa bangka at mayamaya lang ay umalis na kami.

Kyzer's Point of View

Ang gago ko!! Ang gago gago ko!!!

Bakit ko sinaktan ang babaeng mahal ko!

Pupuntahan ko siya sa daungan ng bangka baka sakaling nandoon pa siya.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta agad sa daungan ng bangka.

Pagkarating ko doon, agad ko siyang hinanap. Pero hindi ko na siya nakita.

Napag-isipan kong umuwi para kumuha ng mga damit at sundan siya.

Pagkarating ko sa bahay, dumiretso agad akong pumunta sa kwarto ko.

Pero nakita ko si Katrina na lumabas galing sa kwarto ko kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko.

"Ah- eh, k-kasi..."

"SAGOT!!" Sigaw ko dahilan para mapatili siya sa gulat.

Napansin kong may tinatago siya sa kanyang kaliwang kamay kaya agad kong binuka ang kanyang kamay.

Kwintas 'to ni Stephanie ah.

"Bakit na sa 'yo ang kwintas ni Stephanie?"

"S-sorry K-k-kyzer eh k-kasi-"

"Nanakawin mo?" Wika ko saka kinuha ko ang kwintas.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, pumunta agad ako sa kwarto niya at hinaluglug ang lahat ng gamit niya.

Marami akong nakitang gamit na pag-aari ni Stephanie.

Pero may napansin akong isang gamit na pag-aari ko.

Kinuha ko iyon.

"Puta!! Pati brief ko! Ninakaw mo! Anong klaseng magnanakaw ka!" Wika ko saka umalis.

Pumasok ako sa kwarto ko.

Kung sa bagay, mamahalin din naman 'tong brief ko. Calvin Klein kaya 'to!

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now