Chapter 16

1.3K 19 14
                                    

Chapter 16:
Gotcha

Stephanie's Point of View

Handa nga ba ako sa laro ni Ashleen?

Hindi ko alam kung paano siya maglaro, is she a dirty gamer? Madumi maglaro? I'm not fond of dirty games pero ang asawa ko ang nakasalalay dito kaya, susugal ako.

Ito ang larong ayaw mong salihan pero sa ayaw at sa gusto mo, masasali ka. This is a game of love, faith, and loyalty. Kung hindi malakas ang tatlong bagay na iyan, matatalo ka—kayo to be exact. Kayo ng asawa mo.

Lahat ng mag asawa ay kasali na dito, Simula noong isinoot ninyo ang singsing na simbolo ng inyong pagmamahalan.

"Stephanie, where you going? Bakit ka may dalang maleta?" Tanong ni Demi.

Tangina, ano ang ipapalusot ko? Hindi ko maaaring sabihin na business trip, kasi wala naman akong trabaho sa business namin, hindi rin pwedeng sabihin na may iho-host akong business kasi tumigil na ako sa pagtatrabaho since I got married.

Sasabihin ko nalang ang totoo, total, si Demi lang naman ito.

"Susundan ko si Kyzer sa Cagayan de Oro." Sabi ko.

"Ang layo ng Cagayan de Oro, Stephanie, hintayin mo ako, sasamahan kita."

"No, 'wag na, Demi. Kaya ko na ito ng mag-isa."

"I insist. Baka ano pang gawin mo doon. Alam ko kung bakit mo siya susundan doon dahil may ahas na nakapaligid sa asawa mo."

She's right. Natatakot ako sa mga kagagohang gagawin ng kanyang sikretarya sa kanya.

Natatakot akong mawala si Kyzer sa akin, ang mahal ko.

Mayamaya lang, bumalik na si Demi na may dalang maleta.

Sasamahan niya talaga ako. Well, kung iyang ang gusto niya, wala na akong magagawa.

"Let's go?" Aniya.

"Wait, magco-commute tayo?" Tanong ko.

"Ano ba nga ba. Isipin mo, kapag dinala mo kotse mo, malalaman ng asawa mong sinusundan mo siya."

"Eh, paano niya malalaman kung sa airport ko ipa-park?"

"Mag-isip ka. Pag-alis nila, saan sila pupunta?"

"Sa airport."

"Oh, edi, malalaman pa rin niya. My gad Stephanie! Tara na nga! Mag-aabang nalang tayo ng taxi sa paglabas natin ng subdivision." Sabi niya saka umalis na kami.

Bobo mo Stephanie! Hindi na gumagana ng maayos utak mo kakaisip sa asawa mong may kasamang ahas! Putangina!

Relax, saka ka na umalboroto kapag nasa Cagayan de Oro ka na. Kapag nakita mo na sila na may ginagawang bagay na hindi ginagawa ng isang normal na magkaibigan.

Agad kaming nakasakay ng taxi paglabas ng subdivision dahilan kung bakit maaga kaming nakarating ng airport.

Nakakuha agad si Demi ng ticket papuntang CdeO kaya ang ginawa nalang namin ay hintayin ang aming flight paalis.

"Demi, mag mall muna tayo, matagal pa naman flight natin eh." Wika ko nang nabo-bored na ako sa airport.

"Tara, gutom na rin kasi ako." Sang-ayon niya.

Nasa mall na kami, dumiretso kami sa isang fast food chain para kumain.

"Hindi talaga ako napapanatag hanggat hindi ko nakikita ang asawa ko, na hindi gumagawa ng kataksilan." Wika ko saka uminom ng iced tea.

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon