Chapter 17

1.2K 18 24
                                    

Chapter 17:
Litrato

Stephanie's Point of View

Naninikip na ang aking puso sa sobrang galit at sakit dahil sa kataksilang ginawa ni Kyzer.

Tangina sila! Mga putangina!

May nakita akong malaking bato sa tabi ko at wala sa sarili ko iyong pinulot.

Dahan-dahan na akong lumalapit sa kanila habang lumuluha pa rin.

Biglang may humawak sa aking braso dahilan kung bakit ako nagulat at nabitawan ko ang bato at bumalik sa realidad. Lumingon ako para makita kung sino ang humawak sa akin.

Si Demi.

Dinala niya ako pabalik ng room.

"Stephanie! Alam mo ba gagawin mo? Papatayin mo sila!" Pasigaw niyang wika.

"Alam ko." Walang gana kong sabi.

"Stephanie! 'Wag mo hayaang kontrolin ka ng galit mo! Paano kung natuloy iyong balak mo? Makukulong ka! Isipin mo, babaero asawa mo at ikaw, mamamatay tao! Mas hindi katanggap-tanggap ang nakapatay kaysa sa babaero sa mata ng lipunan, Stephanie, tandaan mo iyan. Uuwi na tayo. Ayusin mo na iyang gamit mo, aalis na tayo mamaya." Wika niya.

Kung aalis na kami, hindi ko na makikita si Kyzer. Hindi ko makikita ang mga gagawin niya pang kataksilan.

Paano kung hindi lang halik? Paano kung magse-sex sila?

Tangina, taksil!

"Paano kung mas worse pa ang gagawin nila kung aalis tayo?" Wala sa sarili kong wika.

"Eh anong magagawa mo? Kukuha na ng kutsilyo tapos pagsasaksakin mo sila? Sa ayaw mo o sa gusto mo, uuwi na tayo. Baka maging criminal ka pa dito. Okay na iyang gamit mo? Tara na, uuwi na tayo." Aniya.

Nandito na kami sa bahay, ginabi na kami dahil na rin hapon ang flight namin.

Hindi pa rin naiibsan ang sakit at galit na aking nadarama dahil sa ginawa ng taksil kong asawa.

Ang sakit lang isipin na parang mahal pa niya si Ashleen.

At ako ang lumalabas na third party.

Umalis ako ng bahay at pumunta sa bar para uminom.

Gusto kong makalimutan ang sakit kahit ngayon lang.

"One bottle of beer." Sabi ko. At agad na binigay ng bartender ang isang botelya ng beer at agad kong ininom ang laman nito.

Nang maubos ito, nag order ulit ako hanggang sa umabot na ng three bottles ang naubos ko.

"I-sa pang b-bottle." Wika ko.

"Tama na, lasing ka na." Wika ng isang pamilyar na boses.

"J-jerson! Why are you here? P-paano mo nalaman na nandito ako? Ah! Stalker ka no? HAHAHA stalker nga!"

"Shh, uuwi ka na. You're drunk."

"No I'm not! I want to drink pa!"

"No. You're going home!" Sabi ni Jerson saka akmang aalalayan ako nang bigla kong binawi aking kamay.

"I want t-to forget just for this night! G-gusto kong malimutan ang sakit na idinulot sa akin ni Kyzer! Kaya please! Hayaan mo muna akong maglasing please!" Sabi ko.

"No, paano kung mapagtripan ka ng mga lalaki sa labas mamaya pag-uwi mo."

"I have my car."

"Paano kung maaksidente ka?"

The CEO's Mistress✅Where stories live. Discover now